Advertisers
WALANG karapatan at huwag iboto ang mga kumakandidatong hangad ay magpayaman lamang dahil ang panunungkulan sa gobyerno ay pagseserbisyong tapat para makaasiste sa pangangailangan ng mga naghihirap na mamamayan.
Ito ang mensaheng ipinupunto ng Ang Laban ng Indiginong Filipino (ALIF) sa pangunguna ni 1st nominee Rogelio Villangca sa lahat ng mga kumakandidato ngayon na makonsensiya ang mga mapagsamantalang politiko na ginagamit ang posisyon sa gobyerno para sa pansariling pagpapayaman.
Aniya, panahon na umano para mabago ang imahe ng politika sa bansa na mawala na ang mga corrupt at ang maluklok sa posisyon ay ang mga sinsero sa paglikha ng mga batas o panuntunang aagapay para sa pag-unlad ng mga pami-pamilya sa ating bansa.
Nilalayon ng ALIF na maging boses at representante ng mga Indiginong Pilipino at ninanasang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang kinabukasan ang sinumang kapos sa oportunidad at pagkakataon sa ating bansa.
“Gusto kong ibangon sila mula sa paghihirap, mabigyan ng mga trabaho; marami naman akong naitayong kompanya, itutulong ko ang mga kompanyang ito para makatulong ako sa mga namamayan lalong-lalo na sa mga mahihirap. Ang mga bata, pangarap ko pong maipagpatayo sila ng mga eskuwelahan; ang mga tao natin sa bundok na nakakalimutan na, gusto kong bigyan yan ng atensiyon, gusto kong magkaroon ng maayos at mapayapang pamumuhay ang mga taong hindi nakapag-aral.., pag-aaralin po nating lahat yan. Gusto ko po walang maging mangmang sa pamamagitan ng pagtulong ko sa taong-bayan,” paghahayag ni ALIF 1st nominee Villangca.
Multi-sectoral ang nirerepresenta ng ALIF na magbibigay tuon sa mga sumusunod na lokal at sektor ng Indiginong Filipino, Sektor ng Kabataan, Sektor ng Edukasyon, Sektor ng Pangkalusugan at Senior Citizens and Retirees.