Advertisers

Advertisers

Paglalabas ng pondo para sa Coconut Debris Management Plan, pinuri ni Bong Go

0 485

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-apruba sa pagpapalabas ng pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa panukalang Coconut Debris Management Plan ng Philippine Coconut Authority bilang suporta sa Shelter Assistance and Recovery Program ng gobyerno para sa mga komunidad na tinamaan ng Bagyong Odette noong nakaraang Disyembre.

“Kinokomendahan po natin si Pangulong Duterte sa kanyang pag-apruba sa pondong ito na layuning mapabilis ang pagbibigay ng reusable housing materials para sa mga biktima ni Typhoon Odette,” ani Go.

Sinabi ni Go na siya at ang Pangulo ay nakipaglaban nang husto para maisulong ang hakbang na ito.



“Noong tumama ang bagyo, nakita mismo namin ni Pangulo ang mga pinsalang dulot nito sa agrikultura lalo na sa mga magsasaka ng niyog. Kaya iniutos kaagad niya na matulungan ng gobyerno ang ating mga magsasaka at ang coconut industry,” dagdag ni Go.

“Bukod sa nasabing benepisyo, ito ay magbibigay-daan din sa pamahalaan na mapabilis ang dispos ng mga apektadong puno ng niyog na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kapaligiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga ito bilang coco lumbers,” patuloy ng senador.

Ang pondo na nagkakahalagang P331,003,192 ay ilalabas sa PCA. Ang plano ay naaayon sa Presidential Directive No. 2022-011 para sa conversion ng mga natumbang puno na muling magagamit na mga materyales sa pabahay para sa mga nakaligtas sa Bagyong Odette.

Ang iminungkahing interbensyon ay magpapadali sa pagtaas ng mobility at pagtatapon ng mga apektadong puno ng niyog na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kapaligiran, maiwasan ang pagkakaroon ng peste, at bubuo ng mga coco lumber para sa pagtatayo ng mga pansamantalang pasilidad ng pabahay para sa mga biktima ng bagyo.

Kasama sa proyekto ang pagkuha ng 11,573 chainsaw operators na babayaran sa pamamagitan ng cash-for-work scheme, na sabay-sabay na ipatutupad sa mga probinsya sa Rehiyon IV, VI, VII, VIII, X at XIII.



Samantala, paulit-ulit na binigyang-diin ni Go ang pangangailangan para sa isang mas mabilis at holistic na pagtugon sa mga sakuna at iba pang kalamidad. Inulit niya ang kanyang panawagan para sa pagpasa ng Senate Bill No. 205, na kilala rin bilang “Disaster Resilience Act”.

Ang panukalang batas, na inihain ni Go noong 2019, ay naglalayong tugunan ang mga burukratikong hamon na sumisira sa kakayahan ng gobyerno na mas mahusay na tumugon at magbigay ng suporta sa mga indibidwal na apektado ng mga sakuna.

Para magawa ito, itinatatag nito ang Department of Disaster Resilience, isang highly-specialized na ahensya na maghahanda laban sa mga mapangwasak na epekto ng pagbabago ng klima at magsisiguro ng isang mas maagap na diskarte sa mga natural na kalamidad.

Inulit din ni Go ang kanyang panawagan para sa mandatoryong paglikha ng mga ligtas at maayos na evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong Pilipinas.

Binigyang-diin ng senador ang kagyat na pangangailangang aksyunan ang disaster resilience measures gaya ng kanyang SBN 1228 o ang “Mandatory Evacuation Center Act”, na kanyang inihain noong 2019 upang matiyak na ang mga biktima ng mga sakuna ay magkakaroon ng mga pansamantalang tirahan na magtitiyak ng kanilang kaligtasan, magsusulong ng kanilang panlipunang kapakanan, at bantayan ang kanilang kapakanan habang sila ay nagrerekober sa buhay.

Ang SBN 1228 ay kasalukuyang nakabinbin sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, kasama ang SBN 205.