Ria nag-alala sa reaksyon ng parents sa pag-topless sa pictorial; Sharon binash kaya nag-sorry kay Panelo
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA ika-30th kaarawan ni Ria Atayde ay pinost nito ang kanyang pasabog na photoshoot.
Sa posted pics nito sa kanyang socmed ay marami ang na-shock sa nakakita sa kanyang larawan.
Kaya natanong ng netizens kung ano nga ba raw ang naisip ng dalaga at may pa-daring pohoto pa ito na naka-post sa kanyang socmed account.
Nagpakuha si Ria na naka-topless.
Kaya naman umani ito ng iba’ ibang reaksyon sa social media.
Bumuhos din ang mga bumati sa kanyang kaarawan. Dahil nag-trending ang topless photo ni Ria ay nagkomento ito na ‘sana huwag ako patayin ng aking ama at ina sa ginawa ko.’
Napansin din ang reaksyon at komento ni Joshua Garcia na minsang na-link sa dalaga. Ayon sa aktor, ‘Happy birthday my rumored gf.’
Sinagot naman ito ni Ria, ‘Thank you my rumored bf.’
Pero umamin naman ang dalawa na malapit lang sila sa isa’t isa na tila ‘di kuntento ang Maritess na wala silang relasyon.
***
OMG ‘di makapaniwala ang talent manager na si Lolit Solis na ipatanggal siya ni Bea Alonzo sa listahan ng isang presscon sa isang endorso na beauty product ng aktres.
Masakit pa kahit ang 2 na reporter na malapit kay Manay Lolit ay ipinatanggal din.
Okey lang kay Lolit na ipaalis siya pero ‘yung 2 na malapit sa kanya ay dinamay pa raw ni Bea.
Dahil siguro sa pagsasabi na tita na ang dating ni Bea kay Alden Richards.
Samantala, dahil sa pag-ulan ng bash ay kumambyo si Megastar Sharon Cuneta.
Pinuna ni Megastar ang pagkanta ni Savador Panelo sa kanyang kanta na Sana’y Wala Ng Wakas.’
Dahil sa pagbaha ng mga batikos at panglalait kaya naman nagdayalog na si Sharon.
“Para naman akong may pinatay nang atakihin ng mga basher.”
Na kesyo madamot sa kanta at ayaw daw ipakanta ni Megastar at kung anu-ano pang panglalait ang inani ng esmi ni VP aspirant Kiko Pangilinan.
Sa kabila noon ay nag-sorry na si Sharon kay Panelo.
Lalo na nga raw nalaman nito na isa palang Sharonian si Panelo.
Ngayong nag-sorry na ito kay Panelo na nasaktan nito ang damdamin ay aprub na kaya kay Sharon na kantahin nito ang kanyang kanta saan mang rally?
Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!