Advertisers
Fool me once, shame on you, fool me twice, shame on me.
UMAALINGASAW na ang mga “baho” sa Lungsod ng Maynila na pinamumunuan nina outgoing Mayor Isko Moreno aka Boy Benta at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna, aka Aling Simang.
Serye ng mga kabalastugan at kawalanghiyaan ang nabubunyag mula nang maupo sila sa city hall nitong 2019.
Handa na ba kayo?!
***
NARIYAN ang mga over priced na food packs sa halagang P1,000 na ayuda na pinagkakitaan ng mga hinayupak — tulong kuno na kumita pa!
Mga over priced na proyekto gaya ng Manila Zoo na umaabot sa P1.7 bilyon ang rehabilitasyon pero wala naman state of the art na nabago dito maliban sa mga inayos na entrance.
Grabe ka iskorap!
IBINENTANG DIVISORIA MARKET
SA kabila ng pangungutang ng P25B sa Landbank at DBP, ibinenta pa rin ang Divisoria public market sa halagang P1.4 bilyon, nitong 2020 para umano panggastos sa pandemya.
Naku, palugi ibinenta ang patrimonial property na ito sa mga tsekwa na mayroong 3,071.70 square meter pero may total land area na 8,000 sqm.
Ginamit pa dahilan ang pandemya sa pagbebenta!
HARRISON PLAZA LOT
ISA pa sa malaking maanomalya ginawa nina Boy benta at Aling Simang ay ang pagbenta sa 7-hectare lot kinatatayuan ng Harrison Plaza.
Kung nagtataka kayo kung bakit wala ng Harrison Plaza (HP) complex ito ay dahil sa hindi na na-nirenew ng city of manila ang lease ng HP.
‘Yan sina Boy Benta at Aling Simang!
***
PINAKAMAHALAGANG patrimonial property ng Lungsod ang naturang lote subalit ibinenta lamang sa halagang P5 bilyon ang naturang prime lot ng Maynila sa SM Prime Holdings.
Historically speaking, ang HP ang kauna-unahang modern shopping mall na naitayo sa bansa noong 1976, kasunod ng Ali Mall sa Cubao, Quezon City.
Grabe ‘di ba mga katoto?!
***
KUNG noon panahon ni dating Mayor Mel Lopez ay panay bili ng mga lote at ari-arian ang city, gaya ng pagbili ng gusali ng PNB sa Escolta para magamit na eskwelahan na kalaunan ginawang City College of Manila.
Nariyan din ang kinatatayuan property ng Boystown sa Marikina city, ang Boso-boso property sa Rizal at iba pa patrimonial property.
Ito na kaya ang isusunod nilang ibebenta?!
LOPEZ-BAGATSING ANG OPISYAL NA PAMBATO NG UNITY TEAM
MULING nilinaw ng kampo ng Unity team nina BBM-Sara Duterte na ang tambalang Atty. Alex Lopez at Raymond Bagatsing ang opisyal nilang pambato kandidato sa Maynila sa pagka-Mayor at Vice Mayor sa Maynila.
Kaya hindi dapat malito ang Manileno, wala nang iba pa sinusuportahan ang Unity Team kundi Lopez-Bagatsing lang wala nang iba!
Kaya ‘wag po kayong magpapabudol!
***
KUNG dumalo man si Sara Duterte sa rally ng mga “Kabakas” ay hindi para e-endorso ang mag-ama Bagatsing kundi para ikampanya ang Unity Team at mga senatoriables.
Ayon na rin kay Atty. Alex, welcome sa kanya ang ganitong mga development para sa Unity team at hindi naman aniya apektado ang kanilang team sa local.
Malinaw na ‘yan mga katoto ha?!
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)