Advertisers

Advertisers

AGAP partylist handog ang aksyong garantisado sa agrikultura

0 233

Advertisers

MARAMI ang dumadaing sa sobrang hirap ng buhay ngayon dulot ng pandemya at dumagdag pa ang sobrang taas ng mga presyo ng mga bilihin dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng krudo sa merkado bunga ng krisis sa Ukraine at Russia, na makaaapekto sa kalakaran ng negosyo sa Pilipinas kahit malayo ito sa Europa at magkakaroon ng supply chain disruption.

Ayon kay 1st nominee Agap partylist Nicanor Briones, na ang pagtaas sa presyo sa mga pangunahing bilihin hindi dapat na ipapasan sa mga consumers, kailangan ding pigain ng mga negosyante ang kanilang mga margins.

Sinabi pa ni Briones na tumaas na ang presyo ng harina at inaasahan pang sisipa ang presyo nito dahil malaking suplay ng harina nanggagaling sa Ukraine at iba pang bahagi ng Europa.



Tataas pa rin ang presyo ng langis dahil sa sunod-sunod na economic sanctions na ipinapataw sa Russia.

At ang pagtaas ng presyo ng harina at langis, magdudulot ng domino effect sa iba pang produkto.

Ayon kay Briones, ito rin ang itinuturong dahilan sa posibleng kakapusan ng suplay ng itlog sa mga darating na buwan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga patuka sa manok.

Binigyang-diin ni Briones, na tulad din ng mga tao, nangangailangan din ang mga manok ng tamang pagkain para sa kanilang kalusugan.

Sinabi ni Briones na dapat ibaba na ang quarantine classification sa Metro Manila at iba pang major economic regions ngayon Alert Level 1.



Hindi pa nga tuluyang nakakabangon ang mga magbababoy sa epekto ng African swine fever (ASF) sa bansa dumanas muli sila ng kakaibang krisis sa presyo ng mga feeds at hindi pa rin napupuksa ang nakamamatay na virus sa kanilang mga alaga.

Kaya hanggang ngayon hindi pa tinatanggal ng Department of Agriculture (DA) ang alert kontra ASF.

Ipinahayag ni 1st nominee Agap Partylist Briones na kung sakaling malulok siya muli sa Kongreso,

isusulong nito ang pagtatayo ng mga First Border Inspection Facilities upang maiwasan ang mga sakit at peste mula sa mga imported na karne at iba pang produktong agrikultura at para sa abot-kaya, ligtas, at sapat na pagkain.

Isusulong ang Indemnification Fund para sa mga tatamaan ng sakit ang mga tanim at alaga.

Magsusulong din si Briones ng mga batas upang mapababa ang mga presyo ng mga bilihin.

Sinabi pa ni Briones na makaaasa ang lahat na ibibigay ng Agap partylist ang aksyong garantisado para sa agrikulturang Pilipino!