Advertisers

Advertisers

“Gen. Remus B. Medina: Linisin at ayusin lahat ng station sa QCPD

0 397

Advertisers

Gen. Remus B. Medina, inutusan ang lahat ng station commanders sa QCPD na linisin at ayusin ang bawat istasyon.

Binigyan ng hanggang katapusan lamang ng buwang ito (Marso) ang lahat ng istasyon ng pulisya sa buong Quezon City, upang magawa ang iniutos na pagsasaayos at pagpapaganda sa bawat istasyon.

Bukod dito iniutos din ng mamang heneral ang paglalagay ng mga aircon sa bawat istasyon.



Layon ni QCPD Dir. Gen. Remus Medina na mabigyan ng bagong mukha ang mga istasyon sa kanyang nasasakupan kasabay na rin umano ang kaginhawaang magiging dulot nito mula sa mainit na panahon.

Hindi lamang mga kapulisan ang magbebenipisyo ng pagsasayos ng mga ito,maging ang mga preso sa selda ng bawat istasyon at makakaramdam ng kaginhawaan.

Sabi nga ng heneral, “kahit na ba sila ay mga bilanggo, mga tao pa rin sila na dapat itrato ng maayos tulad natin”.

Dito naka-sentro ang layon nang mamang heneral dahil alam nito na papasok na ang summer season sa atin na maaaring magdulot ng ibat ibang uri ng sakit sa mga bilanggo gaya ng pigsa etc.

Kita sa mamang heneral ang pagiging makatao sa pag- uutos n’yang gawin kaagad ito sa bawat istasyon.



Nais ni Gen. Medina na alisin ang mga di-kaayaaya at negatibong impresyon ng mga bumibisita sa mga police stations.

Kung dati ay amoy kulob o amoy alimuong at mala-bodega ang mga ito, ngayong si Gen. Medina na ang nakaupo ay hangad n’ya na mababago ang mga ito.

Aniya, ire-reinbursed pa ng mamang heneral ang mga gagastusin ng bawat istasyon mabago lamang at maging malinis ang mga ito.

Sinisiguro din nya na magiging kaakit-akit ang mga istasyon at mabango sa pang-amoy ng mga bisitang pupunta dito.

Maging ang mga nakasagabal na mga impounded vehicles ay pinalilipat nito para hindi na makarumi pa sa harap ng bawat istasyon.

Kasabay nito iniutos din ni Gen. Remus Medina na bawasan na ang mga seldang puno na at ilipat ang mga ito sa pinagawang kulungan sa Camp Karingal.

Ito ay para masigurong hindi mag-ipun-ipon ang mga preso at maiwasan ang sakit na maaring maging dulot ng tag-init at maiiwas sa pagkahawa-hawa.

Kaya kayong mga dugyot na pulis, humanda kayo dahil magra-random visit si Gen. Medina sa inyong mga lugar.

Ito’y hindi para alisin ang mga makikitang natutulog na Pulis sa oras ng duty, kundi para gisingin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kape.

Alam kasi ng mamang Heneral ang hirap ng trabaho ng Pulis at ang mga pangangailangan nito para makapagbigay ng sapat at tapat na serbisyo sa tao.

Mabuhay ka General Medina Sir!

Proud and honored to have met you in person sir.

Salamat sa oras at pagkakataon!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com