Advertisers
NGAYONG kampanyahan ng mga kumakandidatong POLITICIANS ay dapat maging matalino ang mga BOTANTE tulad sa ikinakampanya ni ANG LABAN NG INDIGINONG FILIPINO (ALIF) PARTYLIST 1st NOMINEE ROGELIO VILLANGCA na ang mga CORRUPT ay huwag nang ihalal upang magkaroon ng tunay na pagbabago tungo sa sinserong pag-agapay sa sambayanan.
Sabi nga ni ALIF PARTYLIST 1st NOMINEE VILLANGCA ay.., “walang karapatan at huwag iboto ang mga kumakandidatong hangad ay magpayaman lamang dahil ang panunungkulan sa gobyerno ay pagseserbisyong tapat dapat para makaasiste sa pangangailangan ng mga naghihirap na mamamayan.
Sang-ayon ako sa kampanya ni VILLANGCA na ang mga CORRUPT ay huwag nang bigyan ng tsansa na makapuwesto uli sa panunungkulan sa gobyerno.., na marami sa mga kumakandidato ngayon NATIONAL POSITION at LOCAL POSITIONS lalo na ang mga INCUMBENT CANDIDATE ay naging lantaran ang kanilang pagiging CORRUPT.., huwag na pong iboto ang mga CORRUPT para magkaroon ng progresibong pagbabago para sa pangkabuhayan ng mamayan at sa paggo-gobyerno.
Kamakailan ay nagsanib ang puwersa ng ALIF PARTYLIST at ni BULACAN VICE-GOVERNATORIAL CANDIDATE SALVADOR “BOGS” VIOLAGO sa isinagawang PROCLAMATION RALLY na ginanap sa MALOLOS CITY HALL GROUND nitong nakaraang Sabado (March 26) na dinaluhan ng tinatayang 10,000 lider na nagmula sa 21 MUNICIPALITY at 3 CITY ng BULACAN PROVINCE.
“Magkatuwang kaming kikilos at isusulong ang common development agenda, upang makamit ang makabuluhang pagbabago para sa ordinaryong mamamayan sa lalawigan ng Bulacan, gayundin upang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya,” saad ni VILLANGCA.
Si VILLANGCA na nakapagserbisyo sa NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ay unang salang nito ngayon sa pagkandidato para sa May 2022 ELECTION at naging matunog ang pangalan nito.., na maraming mga BULAKENYO ngayon ang nagtitiwala sa kakayahan nitong mabago ang imahe ng POLITICS.., na hindi pangako lamang kundi isasakatuparan ni VILLANGCA ang kaniyang ADVOCACY na makatulong sa mga kapos-palad na mamamayan.
“Gusto kong ibangon sila mula sa paghihirap, mabigyan ng mga trabaho; marami naman akong naitayong kompanya, itutulong ko ang mga kompanyang ito para makatulong ako sa mga namamayan lalong-lalo na sa mga mahihirap. Ang mga bata, pangarap ko pong maipagpatayo sila ng mga eskuwelahan; ang mga tao natin sa bundok na nakakalimutan na, gusto kong bigyan yan ng atensiyon, gusto kong magkaroon ng maayos at mapayapang pamumuhay ang mga taong hindi nakapag-aral.., pag-aaralin po nating lahat yan. Gusto ko po walang maging mangmang sa pamamagitan ng pagtulong ko sa taong-bayan,” pagpapahayag ni VILLANGCA.
Ipinunto naman ni ALIF PARTYLIST 2nd NOMINEE MAE BAUTISTA FERRO na ang mga INDIGINOUS PEOPLE (IP) ay nahaharap pa rin sa matinding hamon sa buhay..,, na hindi madaling masolusyunan kundi kakailanganin ng puspusang pagtutuon para maresolba ang mga pangangailangan ng mga katutubo sa ating bansa.
Kinakailangan umanong marebisa ang lahat ng mga batas na sumasaklaw sa kapakanan ng mga IP’s upang higit na maunawaan ang kanikanilang mga kultura at mabigyan ng serbisyo mula sa gobyerno.
Sa pangangampanya naman ni BULACAN VICE-GOVERNATORIAL CANDIDATE BOGS VIOLAGO ay tuwirang inihahayag nito na kanyang susuriin ang pondo ng lalawigan upang tiyaking maayos ang paggamit nito, lalo’t higit sa usapin ng ayuda at tulong medikal.
“Bibili ako ng 24 mobile clinic para ilaan ito sa mga munisipyo at siyudad ng Bulacan at kapag may sakuna ay lagi nating ihahanda ang kaukulang pondo para sa disaster preparedness and mitigation”, pagpapahayag ni Violago.
Sa naging panayam ng ARYA kay VILLANGCA ay naihayag nito na ang pakikipagtutuwangan nila sa grupo ni BOGS VIOLAGO ay makabubuo umano sila ng mas malawak na makinarya at malakas na kampanya para itaguyod ang mga batayang pangangailangan ng mamamayan.
“Magkatuwang kaming kikilos at isusulong ang common development agenda, upang makamit ang makabuluhang pagbabago para sa ordinaryong mamamayan sa lalawigan ng Bulacan, gayundin upang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya, saad ni VILLANGCA.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.