Advertisers

Advertisers

Nagtatalunan na kay Robredo ang mga trapo

0 431

Advertisers

Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.

TALAGANG wais itong mga traditional politician. Nagtatalunan sa last minute sa presidentiable na ramdam nilang mananalo sa halalan. Ang tawag sa kanila ay political butterfly. Hindi na bago ang ganito.

Oo! Dito sa last 40 days ng kampanya at biglang pag-angat ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, nagtalunan sa kanyang kampo ang mga trapo, ang latest ay ang mag-asawang Barzaga ng Cavite. Nauna na sina Bebot Alvarez ng Davao del Norte, Ben Evardone ng Samar, Joey Salceda ng Albay, Monsour del Rosario ng Makati City, Beng Climaco ng Zamboanga City, ng mga political kingpin ng Mindanao at marami pa.



Sabi ng mga political analyst, senyales na ito na ang sunod na pangulo ay si Robredo. Puede!

Oo! Sa nalalabing higit 40 days ng kampanya, nakikita na kung sino ang mga nakalalamang para maging sunod na pangulo ng Pilipinas. Mula sa 10 aspirante, dalawa nalang ang may pinakamagandang tsansa para sa highest position sa politika sa bansa. Ito’y sa pagitan nina Robredo at dating Senador Bongbong Marcos, Jr.

Nasa kay Robredo na nga ang momentum. Kitang kita ito sa kanilang mga rali, “People’s rally” kung kanilang tawagin, na talagang hindi mahulugan ng karayom. Ultimo nga sa maliliit na probinsiya na kanilang pinupuntahan ay nagkukulay rosas ang lugar.

Sa Mindanao lang, na akala natin ay balwarte nina presidentiable Senador Manny Pacquiao at vice presidentiable Sara Duterte-Carpio na anak ni Pangulong Duterte, dinudumog ang People’s rally ni Robredo. Sabi nga ng kaibigan ko na advance party ng Leni-Kiko Team, hindi bababa sa 35K hanggang 45K ang crowd ng kanilang rally sa lahat ng bahagi ng Mindanao. Grabe ito! Ito’y senyales na ang sunod na pangulo ng bansa ay ekonomistang abogada, si Leni Robredo.

Sa mga People’s rally na ito na inorganisa ng mga volunteer, karamihan ay kabataan, pinasinungalingan na mali ang mga survey na ang nangunguna ay si Marcos Jr.



Sa tingin ko, isa sa mga dahilan ng biglang pagkulay rosas ng Pilipinas ay ang hindi pagdalo ni Marcos sa mga presidential debate na inoorganisa ng media at ng Comelec mismo.

Malaking dahilan din ng pag-arangakada ni Robredo at pagbagsak ni Marcos Jr. ang pagkakabunyag sa hindi pagbayad ng pamilya nito sa P203 billion estate tax, bukod pa sa hindi niya pagbayad ng income tax sa loob ng limang taon kungsaan siya’y convicted at malamang na ma-disqualify pa.

Sabi ng dating BIR Commissioner na si Kim Henares at retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, kapag nahalal si Marcos, siguradong ipapabasura niya ang napakalaking utang nila sa BIR.

Ang P203 billion utang ng Marcos sa BIR ay hindi fake news. May desisyon rito ang Korte Suprema at may datus nito ang BIR.

Ang conviction ni Marcos Jr. sa hindi pababayad ng income tax sa loob ng limang sunod na taon noong siya’y gobernador ng Ilocos Norte ay hindi fake news, may rekord ito sa Quezon City Regional Trial Court, Court of Tax Appeals, at Korte Suprema.

Sabi nga ng mga ordinaryong trabahador, sila bago mahawakan ang sueldo ay bawas na ng tax. Pero itong si Marcos na daan-daang bilyon pala ang utang sa buwis, hindi manlang sinisingil ng BIR. Asan ang hustisya?

Naniniwala rin ako na kapag naging Pangulo si BBM, tuluyan nang maglalaho sa rekord ang utang ng kanilang pamilya sa BIR. Peks man!