Advertisers
Naitala ngayon ng Phoenix Suns ang ikawalong sunod na panalo matapos na itumba ang Philadelphia Sixers, 114-104.
Ang panalo ng Suns ay sa kabila na pwede na sana silang magkampante dahil una na silang pasok sa playoffs at No. 1 seed pa sa Western Conference.
Gayunman hindi pa rin nagpabaya ang top scorer ng team na si Devin Booker na may 35 points habang ang veteran point guard na si Chris Paul ay nag-ambag ng 19 points at 14 assists.
Nagawang tuldukan ng Suns ang tatlong sunod-sunod din na panalo ng Sixers na kabilang naman sa nakikipag-agawan sa top spot sa Eastern Conference.
Wala ring nagawa at nasayang ang big game ng top MVP candidate na si Joel Embiid na nagbuhos ng 37 points at 15 rebounds.