Advertisers
Hinatulan ng 10 taon sa bilangguan sa Canada ang isang Pinoy na sangkot sa karumal-dumal pagpatay sa isang Pilipina noong nakaraang taon.
Kinilala ang salarin na si Carlo Castillo Tobias, 22-anyos.
Guilty si Tobias sa kasong manslaughter at acting as an accessory to the crime of murder after the fact.
Isa lamang si Tobias sa dalawang salarin sa pagpatay kay Maria Cecilia Loreto, 49-anyos, noong Marso 2021 sa New Westminster.
Inamin ni Tobias na hinintay nila ng kanyang kasama si Loreto na makauwi sa kanyang inuupahang apartment.
Sinuntok umano ni Tobias ang biktima. Nang wala ng malay, pinagsasaksak nila ito at ng patay na binalot sa kumot at saka sinunog sa isang park.
Ang kasama ni Tobias sa pagpatay kay Loreto 15-anyos na Pinoy, na isasalang sa korte sa kasong first-degree murder at indignity to human remains.