Advertisers

Advertisers

Pinoy spikers nasungkit ang 2 gintong medalya sa Brisbane beach volleyball

0 396

Advertisers

NASUNGKIT ng Philippine beach volleyball team ang dalawang ginto at isang silver sa 2022 Australia Beach Volleyball Tour Championship na nagtapos Linggo sa Coolangatta Beach sa Brisbane.

Nagsanib puwersa sina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez para ilista ang 18-21,21-19,15-13, wagi laban sa local bets Alice Zeimann at Anna Donlan sa Women’s Challenger Division 1 final.

Gonzaga at Rodriguez ay nanateling undefeated sa limang laban sa tatlong araw na paligsahan, na top-tier domestic beach volleyball event sa Australian volleyball calendar.



Nagwagi rin ng gintong medalya sina Ranran Abdilla at Jaron requinton sa iskor na 22-20,21-17, decision kontra Issa Batrane at Frederick Bialokoz sa Men’s Challenger Division 1.

Nagposte rin sina Abdilla at Requinton ng perfect 5-0 rekord sa paligsahan na bahagi ng paghahanda ng beach volleyball teams para sa parating na 31st Southeast Asian Games sa Mayo.

Nagkasya sa silver medal sina Sisi Rondina at Bernadeth pons matapos yumuko sa tambalan nina Nikki Laird at Phoebe Bell, 18-21, 12-21, sa final ng women’s Elite group.

Nene Bautista at Gen Eslapor, na gaya rin nina Gonzaga at Rodriguez na magkasangga sa unang pagkakataon umiskor ng 21-13,21-19,wagi kontra Saskia De Haan at Lisa-marie Moegle para ibulsa ang bronze sa Women¡¯s Challenger Division 1.

Ang beach volleyball squads ay sumailalim sa one-month training program sa Brisbane para sa kanilang kampanya sa Mayo 12 to 23 Vietnam SEA Games. Ang Pilipinas ay nagbulsa ng 2 bronze medals sa beach volleyball sa 2019 Philippines SEA Games. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">