Advertisers
HINDI madaling pag-usapan ang pondo sa kampanya, lalo na ang isyu ng kontribusyon ng kung anong institusyon, grupo, o indibidwal sa kandidatura ni Poncio Pilato. Biro ng isang kaututang dila, hindi nalalayo ang usapin ng kontribusyon sa “pagsasariling sikap,” o masturbation. Ginagawa na lang at hindi kailangan pag-uusapan.
Noong ika-20 ng Oktubre, 2021, lumabas sa FB page ng Chinese Embassy sa Makati na dumalo si BBM at pamilya sa isang ribbon-cutting ceremony sa gusali ng Pasuguan (Embassy). Hinarap nga sugo ng China sa Filipinas na si Huang Xilian si BBM, asawang Liza Araneta, at anak na si Joseph Simon. Hindi malinaw kung ano ang okasyon o dahilan ng gupitan ng laso sa Pasuguan, ngunit masayang hinarap ni Huang si BBM.
Hindi deklaradong kandidato sa halalang pampanguluhan ng 2022 si BBM nang humarap siya kay Huang. Wala siyang hawak na anumang puwesto sa gobyerno. Isang pangkaraniwang tao si BBM. Hindi siya naiiba sa sinuman sa atin noong panahon na iyon. Hindi malinaw kung ipinadala si BBM bilang kinatawan ni Rodrigo Duterte sa okasyon. Naglayag siyang mag-isa.
Palihim ang gapang ni BBM. Walang inilabas na pahayag o larawan ang kanyang kampo. Tahimik na parang sementeryo si BBM. Ngunit sinunog siya ng mga Intsik. Hindi isinekreto ng mga Beho ang pakikipagtagpo niya sa sugo ng China. Inilabas sa FB page ng Pasuguan ang kuwento at ang mga larawan sa okasyon. Kumalat at nalimbag ang miting at larawan sa iba’t ibang pahayagan at tabloid. Dito na kumalat ang maraming espekulasyon.
Kahit hindi siya kandidato noong panahon na iyon, marami ang nagtanong kung bakit nagmano si BBM sa sugo ng China? May koneksyon ba ito sa plano na lumahok sa halalan? Nagpapalakas ba siya para makakuha ng malaking pondo sa China na nabalitang tumulong sa kandidatura ni Duterte noong 2016?
Fast forward sa 2022. Kandidato si BBM sa panguluhan sa halalan sa ika-9 ng Mayo. Matamlay ang kampanya ng tambalang BBM-Sara. Hindi marami ang dumadalo kung ihahambing sa rali ng Leni-Kiko team. Puro hakot pa ang mga dumadalo, o binayaran mula P200 hanggang P500 kada tao na dumalo. May mga pagkakataon na kinansela ng BBM ang mga nakatakdang pulong o kaya hindi dumalo si BBM. Walang paliwanag sa mga kanselasyon.
Matindi ang pakiwari na hindi dumating ang inaasahang pondo ni BBM. At mukhang walang darating sa hinaharap. Bagaman siya ang nangunguna sa mga survey na hindi maipaliwanag kung paano nakuha ang mga datos, hindi siya ang minatamis na kandidato na nilalanggam. Sa katunayan, may mga dating kaalyado si BBM na nagmukhang mga dagang na-corner at tumalon sa lumulubog na barko. Mayroon sumisigaw ng Ro-Sa, o kombinasyong Robredo at Sara.
Walang pera si BBM. Kahit ang China na tumulong kay Duterte noong 2016 ay dumistansiya kay BBM upang hindi mapaghinalaan sa international community na tumutulong ito sa kandidatura sa anak ng diktador na dumambong sa kabang bayan ng Filipinas noong panahon ng diktadura. May katwiran ang Peking na dumistansya kay BBM. Kasalukuyang ipinapatupad ng China ang pambansang kampanya kontra korapsyon sa kanilang pamahalaan.
Hindi pinatawad ng gobyerno ni Xi Jinping ang mga magnanakaw sa gobyerno ng China. Walang awang pinapatawan ng parusa ang mga mandarambong sa China. Ito marahil ang dahilan kung bakit dumistansiya si Xi kay Duterte. Batid ni Xi na kasama ni Duterte ang ilang pusakal na kriminal sa China. Ayaw ni Xi na masabing kasama niya sa sindikato si Duterte.
***
MAY tweet kami sa social media kung saan sinabi namin ng tahasan na walang dumarating na pera sa kampo ni BBM samantalang binanggit namin ang posibilidad na may mga institusyon o grupo na nakabase sa Europa ang bumubuhos ng tulong sa kampanya ng Leni-Kiko. Mistulang mga manok na pinutol ang leeg na pumalag ang mga ilang tagahanga ni BBM.
“Nahaharap sa disqualification si Leni,” anila sa ganting post. Natawa kami. Hindi nagbubunga na maganda ang mga ganyang post dahil hindi kikilos ang demanda na batay sa isang tweet na hindi lumalagpas sa 280 characters. Sabi namin: “Can a disqualification case against a certain candidate prosper on the basis of a 280-character tweet? Of course not. They went out of alignment when they were told BBM’s not receiving political contributions & his funding support is drying up as the political campaign heats up.”
Pasaring namin idinagdag: “Nobody can file a disqualification case against a candidate on the basis of the maximum allowable 280 tweet. BBM supporters think so; they believe the world is flat. They think BBM has plenty of funds coming from contributors when they are not sure of his winnability. Nah…” Hindi pa tapos at sinabi namin: “’Politics is addition,’ Amang Rodriguez once said. In BBM’s case, it’s subtraction. The defection of local officials is ongoing. They defect en masse to who else, but his closest rival – Leni. They defect for a variety of reasons, but mainly principles & money. BBM has no money.”
***
MAY dalawang kaming mensahe na mukhang naiintindihan ng maraming netizen tungkol sa nakakatawang biro ni BBM na ibabalik umano ang wikang Ilokano bilang “pambansang wika.” Buwang si BBM. Hindi kailanman naging wikang pambansa ang Ilocano. Teka, hindi marunong magsalita ng Ilokano si BBM.
Sabi namin: “BANGAG SI BBM. Matagal ng nalutas ang isyu ng pambansang wika. Ayon sa batas, pambansang wika ang Wikang Filipino na nakabatay sa Tagalog, ang wika sa Metro Manila at mga katabing lalawigan. Hindi kailanman naging pambansang wika ang Ilocano. Hindi ito pinag-usapan man lang.’
Isa pang mensahe namin: “BANGAG SI BBM. Nagbiro yata si BBM ng sabihin niya kanina sa Laoag City na “babalik sa Ilocano ang pambansang wika.” Hindi kailanman naging wikang pambansa ang Ilocano. Hindi marunong magsalita ng wikang Ilokano si BBM. Mag-aral muna siya ng Ilocano bago magsalita ng kung ano-ano.:
***
MAY isunulat kami tungkol sa isyu ng mga abusadong staff ng Frankie’s Wings, isang restaurant sa Bonifacio Goobal City:
TUNGKOL SA MGA STAFF ng Frankie’s Wings: Mahihina rin ang kukote ng mga pro-BBM staff ng Frankie’s Wings… In this age of sophisticated modern gadgets, hindi maaari na ganyan sila kababa. Sobrang cocky ang mga ugali. Mahuhuli sila ng camera. Hindi lang iyan, mayayari sila sa social media. Kasi ngayon, dapat aware ang bawat isa na may kukuha sa iyo ng footage. Kaya ingat sa paligid. Ang mga hunghang, nasobrahan sa yabang. Tapos sila sa soc-med. Hindi malayo na pati ang Frankie’;s,mayayari rin. Pinakamaganda ang pagsisibakin na ang mga pro-BBM na staff. Marami ang walang trabaho at ipalit sa kanila ang mga matitino at hindi ang mga patapon at pipitsugin pro-BBM.
***
MGA PILING SALITA: “Hinding-hindi ko kayo nanakawan.” – Leni Robredo
“Don’t call Mark Villar the infrastructure builder. He is the Credit Grabber & Ribbon Cutter par excellence. Diyan siya magaling.” – PL, netizen
“This electoral campaign is a do-or-die for Marcos & Duterte. Suicidal even to the extent that we, as citizens of this distressed, divided & confused land, have to expect what should not even be expected. We’ve to brace for the worst, yet determined to push thru w/ our pink goals.” – Jed Q. Cepe, netizen