Advertisers
Binisita ni presidential aspirant Manny Pacquiao ang lungsod ng Maynila na balwarte ng katunggaling si Mayor Isko Moreno Domagoso sa pagpapatuloy ng kampanya ngayong araw.
Hinarap ni Pacquiao ang mga vendor mula sa San Andres Bukid kung saan mainit ang naging pagtanggap sa kanya.
Nagsagawa rin ng people’s assembly ang senador sa Baseco Compound sa Tondo.
Dito ay hinimok niya ang mga residente na mag-fill up sa ipinamamahaging “pabahay form” upang mabigyan sila ng tahanan sakaling manalong pangulo.
Tiniyak ni Pacquiao na iboto man siya o hindi ng mga taga-Baseco ay wala siyang pipiliin sa mga mabibiyayaan ng sariling bahay.
Samantala, hindi nababahala ang mambabatas sa kumakalat na drone shots ng mga kapwa kandidato sa campaign rallies ay ipinunto na kakampi naman niya ang mga mahihirap o nasa classes D at E.