Advertisers
Viral ngayon sa social media ang isang binata na ilang beses sinaktan ang amo na matandang babae.
Sa viral video sa Facebook, makikita ang lalaking nagngangalang Cyrel Jay Padel na ilang beses na sinaktan ang sariling amo na isang matandang babae, na tila may problema na rin sa pag-iisip.
May isang beses pa na tumambling si Padel sabay sampal sa matanda.
Sa isa pang pagkakataon, tinarato niya bilang aso ang matanda sa pamamagitan ng pagsutsot hanggang sa umiyak ang kawawang biktima.
Maririnig din sa mga video ni Padel ang pagtawa niya habang minamaltrato ang matanda.
Habang sa isa pang video, nagpaliwanag ang binata at inamin na siya ang nasa isang video na sumampal sa matanda. Ngunit itinanggi niya na siya ang nagtrato ng parang aso sa matanda.
Ang matindi pa nito, siya pa ang lalapit sa mga pulis para humingi ng tulong.
Hindi raw kasi maganda ang pakikitungo sa kanya ng amo kaya niya ‘yun nagawa.