Advertisers
MATAGUMPAY na idinaos ang movie premiere at recognition day nitong nakalipas na March 26 ng F2N Fortune Marketing Incorporated na dinaluhan ng mga opisyales, miyembro at ilang media people. Ginanap ito sa Manila Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.
Ang F2N Fortune Marketing Inc. ay isang globally competetive Pinoy-driven na kumpanya na nagpo-promote ng kalusugan at kayamanan, kasama ang top brands na kinabibilangan ng Theobroma Superfood, Theobroma Coffee Mix at Theobroma C.
Bukod sa isinagawang Q & A portion na hinost ng marketing manager na si Ms. Carla Latupan, nagkaroon din ng movie premiere hinggil sa Life Story ng company founder na si Mr. Alvin Vinuya at top sales director na si Mr. Pedro ‘Pepe’ de Guzman.
Kasabay rin nito ang recognition ng mga bagong sales directors.
Sa press briefing, umupo bilang panelists bukod kina Vinuya (Founder) at De Guzman, (Diamond Director), sina Ms. Benilda Vinuya, President/CEO at Ms. Josephine Roxas, Corporate Management Consultant.
Inihayag ng mga ito na ang F2N Marketing Inc. ay isang kumpanya na nag-aalaga at nangangalaga upang makabuo ng isang mas malusog, mas masaya at mas kapaki-pakinabang na workforce sa pag-aadopt ng family culture.
“We believe that good health should be for all, and so we make supplements and personal care products that are quality, affordable, and widely available,” sabi ni Mr. Vinuya.
Bahagi ng lumalaking pamilya ng F2N sina Gardo Versoza at misis na si Ivy Vicencio Lee. (BKC)