Advertisers

Advertisers

Paulo ‘di type ng netizens para kay Janine

0 208

Advertisers

Ni BETH GELENA

AFTER ng insident eng nangyari between Best Actor Will Smith at ng comedian na si Chris Rock sa Oscars awards night ay tuloy ang Oscars party given by Elton John Aids Foundation, of course hosted by the legendary singer Elton John.
Sa Oscars party ay namataan ang Fil-Am actor-singer na si James Reid.
Twit ni Yong Chavez, ang news correspondent ng ABS-CBN, “#JamesReid is here! He said he’s a bit starstruck at the moment – but I’d say he’s holding his own beside Hollywood stars. His publicist at first said no to interviews but glad he stopped when I yelled my affiliation haha. Great to meet and chat with him!”
Namataan niyang lumalakad sa red carpet si James sa annual Academy Awards viewing party of the Elton John AIDS Foundation (EJAF) na ginanap sa West Hollywood.
Unattended ang singer na si EJ sa binigay nilang viewing party, pero naroroon ang family nito at ang close friend niyang pop superstar na si Lady Gaga, represented him at the glitzy gathering of Hollywood stars.
Nakipag-mingle si James sa ibang celebrities na naroroon such as Demi Lovato, Saweetie, Lea Michele, Lucy Hale at Kevin McHale.
Sey ni James: “It’s my first time here. It’s a very star-studded night. I’m starstruck by a lot of people I’ve met here already.”
Nasa Tate ang Fil-Am actor-singer para i-pursue ang kanyang international singing career.
Sa ngayon, wala pang official announcement si James, regarding sa anumang proyekto na nagawa na niya sa LA.
***
USAP-USAPAN ang larawang pinost ng aktor na si Paulo Avelino.
Isang black and white photo ni Janine Gutierrez kung saan naglalakad sa beach ang aktres.
Kasalukuyang nasa Tate ang rumored celebrity couple dahil guest sila sa US tour concert ni Ogie Alcasid.
Walang caption na sinulat si Paulo sa posted pix ni Janine.
Komento ng mga netizen sa larawang pinost ng aktor.
“The prey in a predator’s eyes”
“Ngek di na minor si Janine para maging prey. I’m sure alam nya history ni Paulo. Ginusto nya sumama sa US to spend time with him. Kaya nobody is to blame if ever ma-hurt sya emotionally. Choice nya yan.”
Mukhang masama yata ang tingin ng mga netizens sa character ni Paulo.
“Gudluck girl i hope you made d right choice”
“No caption? Alam na this…
Subtle status reveal”
“Question: diba may GF si Paulo, yung Aussie model? Or wala na sila?”
May sumagot “Last yr pa ata sila break bumalik na sa Australia yung girl”
“Kanfiiiiiirrmed!”
Nagamit na naman ang linya ni Bea Alonzo nung ma-ghost siya ng ex na si Gerald Anderson.
“Time as the ultimate truth teller!”
***
KUYA WIL PINABULAANANG BABALIK SA GMA FAKE NEWS LANG DAW
NAGSALITA na ang Wowowin host na si Willie Revillame hinggil sa lumabas sa bilyonaryobusiness.com na gusto niyang bumalik ang Wowowin sa GMA7.
Wala raw katotohanan na nagsisisi siya sa agarang pag-alis sa Kapuso Network dahil lilipat siya sa Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBS), ang istasyon ni Manny Villar.
Ani Kuya Wil, kahapon, March 28 sa kanyang show na Wowowin livestreaming:
“Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita.
“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan.”
Sambit pa ng TV host, “Saka huwag niyo ako isusulat na bilyonaryo, hindi ako bilyonaryo, hindi ako businessman na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.
“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?
Sabagay, nang mabalitang nangangalap umano ng mga talent si Kuya Wil para sa AMBS, sinabi rin niyang walang katotohanan ang balita, fake daw ang mga iyun.
Sinabi niya mismo sa last airing ng Wowowin sa GMA na papano raw siya makakalipat at kukuha pa ng ibang mga talent samantalang wala pa naman daw transmitter, studio ang AMBS.
Alam niyang marami pang dapat ayusin bago magkaroon ng isang network.
***
HIPON GIRL TANGGAP NA BOBITA
SA bagong uploaded YouTube video ni Herlene Budol sinagot niya ang mga nasty commments kung saan si Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl ang nagbabasa ng tanong.
Unang komento.ng netizens, “Maganda ka sana kaya lang bobita ka.”
Pabirong sagot ni Herlene a.k.a. Hipon Girl, “True!”
Pero, agad din siyang kumambyo at nagpaliwanag
“Lahat naman ng bagay napag-aaralan. So, gusto ko na lang na tawagin akong bobo kasi, siyempre, pag bobo ka, willing kang matuto sa lahat ng bagay na gusto mong pag-aralan.
“Level 1 pa lang ako. So, ang dami ko pang hindi alam.”
May pahabol pa siyang pasasalamat sa commenter, “Pero sa ganda, salamat. Ikaw ang bukod-tanging nagsabi niyan. Tsaka tatay ko.”
May isa pang shocking comment na hindi rin pinalagpas ni HG.
“Siguro kaya tinanggal ka sa Wowowin dahil n*l*spag ka na ni Kuya Wil.”
“Grabe naman. Napakasama naman ng mga ugali niyo. Nalaspag, hindi naman?” sey ni Herlene.
Hindi doon nagtatapos ang sagot ni HG. Nilinaw niya sa netizens ang pagdidikit ng kanyang name kay Kiya Wil.
“Ayun yung gusto kong linawin din. Sabi kasi nila, lahat daw ng pumapasok kay Kuya Wil, t*n*tira ni Kuya.
“Lilinawin ko, napakabait ni Kuya Wil.
“Nung nakaraan, di ba, February 11 [2022] andun ako,” ang huling araw ng programa ni Kuya Wil sa GMA-7.