Advertisers

Advertisers

Pia nagbigay ng payo sa netizen na insekyur sa katabaan

0 189

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang Instagram stories, nagbigay ng payo si 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach sa isang netizen na halos nawalan na ng pag-asa na ma-achieve ang kanyang “beauty goals.”
Ayon kasi sa nasabing netizen, sobra raw siyang insecure dahil sa kanyang katabaan.
Kumbaga, tuwing tinitingnan niya si Pia at nagdi-display ng kanyang slender and sexy body, hindi niya maiwasang makaramdam ng insecurity.
“Di na ako gaganda kasi di na ako papayat”, hanash ng nasabing netizen.
Sinabihan naman ng beauty queen-actress ang netizen na huwag mawawalan ng pag-asa.
Katunayan, ayon sa star ng “My Papa Pi,” dati rin daw siyang madyobis kaya nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ng naturang netizen.
Dagdag pa niya, hindi raw naman nade-define ang ganda sa pang-labas na kaanyuan lamang.
Hirit pa niya, kung magpupursige siya, darating ang panahon na makakamtan din nito ang ideal body at weight.
“You are beautiful no matter what size you are! It took me a while to realize that I am not defined by what I see in the weighing scale or in the mirror. It’s an uphill battle, but you’ll get there. Stay healthy at laban lang mamsh!”
Umani naman ng papuri ang pagpapasabog ng good vibes ni Pia.