Advertisers
NOONG nakaraang Martes (March 22, 2022) ginulat ng malaking partido politikal ang sambayanan sa inilabas nitong resolusyon upang suportahan ang tambalan nila presidentiable Bong Bong Marcos at vice presidentiable Sara Duterte.
Ang aking tinutukoy na partido ay ang mismong partido na nagdala rin sa Malacañang kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte – ang PDP Laban o Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan noong halalang 2016.
Sa pamumuno ni PDP Laban
President and Energy Secretary Alfonso Cusi, inilahad ng partido ang napagdesisyunan nilang lahat – ang suportahan ang tandem ni Marcos at Duterte.
Sa kanilang Resolution No. 26 isinasaad ng partido na si Marcos lamang ang nakakuha ng mga rekomendasyon ng mga local council ng PDP-LABAN sa iba’t ibang mga lalawigan.
Si Marcos rin daw ang kandidato na naka-angkla ang ‘governance’ sa “11-point agenda” ng PDP-Laban.
Kasalukuyang presidente rin ng PDP-Laban ang Pangulong Rodrigo Duterte na laging nagsusulong ng pagkakaisa at mga “socio-economic development” para sa kaunlaran ng bansa.
Kaya ang sabi ng partido, ang kanilang 11-point agenda ay naka-base sa pamanang iiwan ni Pangulong Duterte, gaya ng laban sa korupsiyon, kahirapan, peace and order, Covid-19 pandemic, komunismo at insureksiyon, economic growth, trabaho, national defense, foreign relations, educational reforms, at empowerment sa mga local government units.
Ipinakilala rin ngpartido ang mga manoo nito sa Senado na sina Rey Langit (39) Rodante Marcoleta (43) Robin Padilla (49) Salvador Sal Panelo (50) Astra Pimentel (51) at Greco Belgica (09).
Sabi ni Sec.Cusi bago nila inindorse si BBM ay nagkaroon muna ng mahabang consultation sa mga PDP Laban members na may 6,592 national at local candidates.
Sa indorsong ito ng PDP-Laban, tiyak na matibay na alyansa na ang nabuo.