Advertisers
Oo! Tingin ko ay si Vice President Leni Robredo na ang sunod na pangulo ng ating mahal na bansang Pilipinas. Siya na nga yata ang maging lider natin pagbaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Bakit ko nasabi ito? Aba’y ang paglipatan ng malalaking politiko sa kampo ni Leni habang papalapit ang halalan sa Mayo 9 ay isang maliwanag na senyales na nakay Leni na ang momentum.
Sa huling ulat, lumipat narin kay Leni ang local executives ng Bohol, Misamis Orriental, at si Leni rin ang inendorso ng mga mayor at gobernador sa Mindanao. Kay Leni na nga nakapanig ang kapalaran. Babae na nga uli marahil ang mamumuno sa higit 110 million Filipino. Mabuhay!
***
Pansin nyo bang hindi na naglalabas ng survey ang mga kilalang survey firm na SWS, Pulse Asia at Publicos?
Simula nang kakitaan ng halos hindi mahulugan ng karayom na crowd sa mga People’s rally ng Leni-Kiko ay hindi narin naglabas ng survey ang mga naturang survey firms. Bakit kaya? Siguro si Leni na nga ang nangunguna, nalaglag na ang isinusulong nilang si Bongbong Marcos, Jr.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, nagsagawa ng internal survey ang kampo nina Leni at Kiko at lumitaw na malaki na ang lamang ni Leni kay BBM.
Kung dati raw na landslide si BBM sa mga survey ng SWS, Pulse Asia at Publicos, ngayon ay malayong pumapangalawa nalang si BBM kay Leni. Araguy!!!
Sabi ng mga political analyst, ang dalawa sa pinakamalaking dahilan ng pagbagsak ng ratings ni BBM ay ang hindi nito pagsipot sa mga presidential debate, at ang pagkakabunyag ng hindi pagbayad ng pamilya Marcos sa estate tax na higit P200 billion, maliban pa sa pagiging convicted ni BBM sa hindi pagbabayad ng income tax sa loob ng limang taon noong gobernador ito sa Ilocos Norte.
Depensa naman ng Chief of Staff at Spokesman ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, hindi pa raw nadedesisyunan o hindi pa tapos ang kaso ng estate tax ng mga Marcos sa Korte Suprema.
Pero may resibo na may desisyon na ang Korte Suprema sa kasong ito, kungsaan ay pinagbabayad ang pamilya Marcos ng P203 billion na pagkakautang sa BIR.
Naglabas din ng certificate ang BIR na hindi pa nga nababayaran ng pamilya Marcos ang naturang halaga.
Sabi ng mga eksperto sa batas na sina dating BIR Commissioner Kim Henares at retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, maaring isa sa mga dahilan kaya gustong makabalik sa Malakanyang ng pamilya Marcos ay upang matakasan ang napakalaking bayarin na ito sa BIR.
Oo nga naman. Sa napakalaking utang na ito sa BIR, aba’y mapupurdoy talaga ang mga Marcos. Makakaligtas lamang sila sa kasong ito kapag sila’y nasa Malakanyang na, kontrolado na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno pati ang BIR. Mismo!
***
Kumusta naman ang takbo ng kampanya sa Maynila sa pagitan ng mga kandidatong mayor?
Aba’y kung ngayon gaganapin ang eleksyon, landslide win na siguro si Atty Alex Lopez, ang anak ng yumaong dating alkalde Mel Lopez.
Sa aking mga pagtatanong, halos lahat ng empleyado ng Manila govt. ay si Alex ang gusto. Congratulations, Mayor Alex Lopez.