Advertisers

Advertisers

Twitter: may kinikilingan, may kinakampihan?

0 282

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… walang kinikilingan ang Diyos…” (Roma 2:11, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

TWITTER, NAGHIHIGPIT SA MGA POSTS NG MGA KALABAN NG KANIYANG KANDIDATO?: Naghihigpit na ngayon ang social media platform na Twitter sa mga ipino-post ng kaniyang mga users tungkol sa Halalan 2022.



Sa isang post na ibinahagi sa Facebook ni Atty. Persida Rueda Acosta, ang hepe ng Public Attorneys’ Office ng Department of Justice, lumilitaw na nagtatag ang Twitter ng reglamento ukol sa mga ipino-post ng mga Twitter users kung ang laman ng post ay may kinalaman sa Halalan 2022.

Ganito ang sinasabi ng Twitter: “Violating our rules about civic integrity… You may not use Twitter’s services for the purpose of manipulating or interfering in elections other civic processes. This includes posting or sharing content that may suppress participation or mislead people about when or how to participate in a civic process…”

Lumabas ang reglamentong ito ng Twitter matapos na ilabas ng isang Twitter user ang ganitong post: “smartmaGic na lang talaga kalaban ni papz…” Ang post ay lumabas sa Twitter noong Marso 21, 2022, alas 5:29 ng hapon.

Sa mga tagamasid, kanilang nauunawaan na ang mensahe ng nasabing post ay tuloy na ang panalo ng isang “papz”, at ang tanging makakapigil na lamang dito ay ang pandaraya gamit ng taktikang tinawag ng Twitter user na “smartmaGic”.

-ooo-



MGA BAGONG REGLAMENTO NG TWITTER SA POSTING, PAGLABAG SA DUE PROCESS NG USERS: Sinabi ng Twitter, patungkol sa nasabing post, na nilagyan nito ng “label” o yung parang disclaimer na wala itong kinalaman sa nailabas ng Twitter user. Bilang parusa, inalis ng Twitter ang karapatan ng kaniyang user na naglabas ng post na makapagpalabas ulit ng post sa loob ng halos labing-dalawang oras.

Ang ibig sabihin nito, ayon sa paliwanag ng social media platform, makikita pa din ng user ang mga inilalabas ng ibang Twitter users, pero, hindi na nga siya makakapag-post ng sarili niyang mga nais ilabas.

Magkaganunman, niliwanag ng Twitter na pupuwede din namang mag-direct message na lamang yung nasuspinding user sa kaniyang mga followers sa nasabing platorm.

Hindi na din muna siya pupuwedeng mag-retweet (o i-repost, o i-share) ang anumang lumabas sa Twitter, o di kaya ay mag-like o mag-dislike. Agad umani ng puna at batikos at kritisismo ang Twitter sa ginawa nito sa nasabing Twitter user.

Ang basehan ng mga puna, batikos, at kritismo sa aksiyon ng Twitter ay ang kawalan ng detalye kung ano ang itinuturing na “our rules about civic integrity.” Walang paliwanag ang Twitter kung anu-ano ang sinasabi nitong mga rules, o reglementaryo na may kinalaman sa “civic integrity”.

Hindi din niliwanag ng Twitter kung ano ang panuntunan nito kung ano ang “civic integrity”. Ganundin, pinupuna at binabatikos din ng mga netizens at Twitter users ang pagiging one-sided ng proseso nito tungkol sa kaniyang reglamento.

-ooo-

MAY KINIKILINGAN, MAY KINAKAMPIHAN?: Hindi kasi sinasabihan muna ang Twitter user na aalisin na yung kaniyang karapatang mag-post, o mag-share, o mag-like o mag-dislike. Basta’t nagustuhan ng Twitter na magpataw ng parusa, hindi n anito binibigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga users na makapagpaliwanag.

Bagamat may sinasabing proseso upang makapag-reklamo ang Twitter user sa pagkaka-alis ng kaniyang mga karapatan sa nasabing social media platform, wala namang katiyakan na ang pagrereklamong ito ay tutugunin. Samantala, nagpapatuloy na ang ipinataw na parusa.

Ang isa pang hindi nililiwanag ng Twitter sa ganitong reglamento ay ang kawalan nito ng pagpipigil naman sa mga inilalabas ng isang kandidatong tila pinapaboran nito, at sa pagbibigay pahintulot sa napakadaming posts ng mga tagasunod ng nasabing kandidato na pumupuri sa kaniya.

Taliwas naman ito sa napakadaming posts na matindi namang bumabatikos sa kalabang kandidato kahit walang batayan. Naiisip tuloy ng mga supporters ng binabatikos na kandidato na itong mga reglamentong ipinaiiral ngayon ng Twitter ay pagsupil sa mga posts na pumapabor sa kalaban ng kanilang pinapaborang kandidato.

Samantalang literal na pibabayaan ng Twitter ang mga posts na pumapabor sa kaniyang kandidato sa pamamagitan ng walang puknat na posts para sa pinapboran nitong kandidato, nililimitahan naman nito ang mga posts na pabor naman sa kalaban.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/Kakampi Mo Ang Batas, Radyo Pilipino stations, Luzon, Visayas, and Mindanao, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Newsbreak Media Company, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network.