Advertisers

Advertisers

Willie humihiling ng dasal na walang cancer; Billy ibinuking ang misis na si Coleen

0 272

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI na nga raw napigil pa ni Billy Crawford na ibuking ang natuklasan sa kanyang misis na si Coleen Garcia.
Imbes nga raw magalit si Billy kay Coleen, natuwa pa ito sa natuklasan.
Sa pagbubuking nga ni Billy ay walang preno na ikinuda nito na certified kuripot ang kanyang misis.
Nagpasalamat naman si Billy sa pagiging kuripot ni Coleen.
Pagmamalaki nito na nababadyet nga raw nito ang pera at kung siya raw ay baka di nito carry dahil magastos nga raw ang singer-actor-TV host.
Kahit sa mga gamit ni Coleen ay never na raw itong nagbra-brand dahil nga sa pagkukuripot.
At ito naman ay dahil sa anak nilang si Baby Amari na priority ngayon nina Coleen at Billy.
Kaya pag may mga gustong bilhin si Billy na ‘di naman need ay sinasaway na siya ni Coleen.
Samantala, dahil sa lumuluwag na ay baka July or August ay ipush na ulit ni Billy ang kanyang International singing career.
***
DAHIL sa 2 years na pandemic kaya ang taunang executive check up ni Willie Revillame ay ‘di naging consistent.
Dalawang taong ‘di siya nakapagpa-check up.
Kaya naman dumaan na ito sa executive check up.
Pero natakot ang TV host dahil may nakitang polyps sa kanya ang doktor.
Doon nga raw kinabahan si Willie dahil 2 years natigil ang kanyang executive check up.
At dito nga raw siya kinakabahan at sana naman daw ay ‘di ito cancer.
Kaya naman humingi ito ng dasal na huwag naman cancerous ang polyps na nakita sa kanyang check up.
Kung cancerous ayon sa doktor ni Willie eh kailangan siyang operahan.
Well, well, well…’Yun na!