Advertisers
Ni BETH GELENA
THRU his Instagram account, inendorso ni Billy Crawford si Manila Mayor Isko Moreno bilang aspiring President this coming election.
Sa May 9 na ang araw ng botohan at dito malalaman kung sino ang mga isusulat ng mga botante bilang bagong presidente.
Sampu ang tumatakbong presidente, pero sa aminin natin o hindi e mukhang lima lang ang pangalang tumatatak sa isipan ng mga mamamayan — Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Yorme Isko, Sens. Ping Lacson at Manny Pacquiao, at Bise Presidente Leni Robredo.
Sa limang nabanggit ay andyan tiyak ang mananalong Presidente.
Anyway, sina Billy at Yorme ay nagkasama nu’ng That’s Entertainment days pa, ang programa ng the late German Moreno a.k.a. Kuya Germs.
Pareho rin nilang mentor si Kuya Germs.
Ani Billy sa kanyang Instagram video na.in-upload kahapon, March 29, “Alam niyo po, ilang buwan na lang eleksyon na. And I realized how crucial this election is because unti-unti na tayong bumabangon sa pandemic. At hindi magiging madali ang trabaho ng susunod na mga officials na iboboto natin. They’ll decide how we will rise above this challenge.”
Binanggit nya rin na qualified si Yorme dahil taglay nito ang ideal qualities bilang isang chief executive.
“Marami ang nangangarap, marami ang nangangako. Kaya I wanted to make my own stand on this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.
“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Kailangan natin ay lider na kayang humarap sa anumang pagsubok; lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap; lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon; at lider na kayang ipaglaban ang ating bayan.
“Kaya ako, sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako,” mahabang sabi pa ng Lunch Out Loud host.
Turing sa isa’t isa nina Yorme at Billy ay magkapatid dahil matagal silang nagsama sa.That’s sa pangangalaga ng showbiz icon na si Kuya Germs, ang kanilang ama-amahan.
***
POLITICAL endorser na lang din naman ang una nating topic, aba, ang comedienne na si Rufa Mae Quinto ay nakasuporta naman sa UniTeam na pinangungunahan ng aspiring president na si BBM.
Sa Zamboanga gjnanap ang campaign sortie ng UniTeam na ang suot umanong damit ni Rufa ay pink color.
Ang paliwanag ng komedyanteng aktres, yun daw kasi ang color ng iconic portrayal niya sa superheroine na Super B movie.
Hindi aware si Rufa Mae kung anumang color ang kanyang suot, ang importante umakyat siya sa stage para ipaalam na nakasuporta siya sa UniTeam rally.
Isa lang si Rufa Mae sa celebrities na nag-guest appearance sa campaign rally nina presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr. at ng running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte na ginanap sa Universidad de Zamboanga’s Summit Center.
Muli ay pinamalas ng comedienne sa audience ang kanyang signature antics.
Kababalik lang ni Rufa Mae mula sa Amerika. Inabot siya roon ng COVID-19 kasama ang nag-iisa nilang anak nang dalawin ang mister na si Trevor Magallanes.
Ang iba pang celebrities na kasama ni Rufa Mae sa pag-endorso ng UniTeam ay si actress-host Toni Gonzaga, music veterans Dulce, Randy Santiago, at ang rapper na si Andrew E, among others.
***
CLAUDINE AT INA NI RICO.YAN NAGSAMA SA 20TH DEAT ANNIV NG ACTOR
USAP-USAPAN ang pagkikita ni Claudine Barrretto at ng ina ng namayapang actor na si Rico Yan.
Rico marked his 20th death anniversary kaya dumalaw ang kanyang inan at ang ex na si Claudine sa kanyang puntod.
Isang netizen ang nagpost ng kanilang larawan na viral ngayon sa socmed.
Komento ng mga netizen sa pagkikitang iyun ng dalawang indibidwal.
“Claudine’s TOTGA. Though I highly doubt they would have gotten back together or even stayed together had Rico lived. Hope Claudine finds love again as Rico rests in peace.”
“Wow naman. All’s well that ends well. I miss you, Rico, it’s been 20 years since you left. Wala pa din makakapantay sayo.
“Kasi kahit paano ay may regrets pa rin siya, especially na namatay na si Rico.”
“Love you Rico =RIP=O You are always in my heart for life, hindi na yan mawawala kahit kailan! d’d’d’d’þ”
May napapansin pa rin ang mga Marites sa post na larawan ng momshie ni Rico at Claudine.
Pansin nga ng isang Marites, “Bat parang th si claudine na maging close sa family ni rico”
“Sus yun ngang mommy ni rico nag invite”
Marami naman ang nanghinayang sa maagang pagkawala ng young actor.
“sayang talaga si Rico, He could have been one of the most successful and respectable actors had he lived longer but then again, hanggang dun nalang talaga sya and I guess he is indeed in a much safer and more peaceful place with God in heaven”
“He’s already a successful and respected actor bago pa sya namatay
Kalokah naman ang komento ng isang ito.
“Yung skinny jeans ang napansin ko talaga e ako ang di makahinga charot”
At may umayon naman, “Same. There are so many fashion options for curvy women. Embrace your curves and wear something that compliments your body”
March 29, 2002 nang mamatay si Rico sa Dos Palmas Hotel, Puerto Princesa, Palawan.
Kasama ni Rico ang actor na si Dominic Ochoa.
Ayon sa imbeatigasyon, pumanaw ang actor sa cardiac arrest dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.