Mga mangingisda, eeskortan ni Isko sa Panatag Shoal
Advertisers
“IF I need to be with the fisherfolk, I will be with them. If Zelenskyy can do it, we can do it also.”
Ito ang pangako ni Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabing na upang matiyak na ang mga mangingisdang Pinoy ay patuloy na makapangisda sa ating teritoryong katubigan ay sasamahan nya ang mga ito kung kinakailangan.
Sinabi pa ni Moreno na igigiit ng Pilipinas ang kanyang karapatan sa pinag-aagawang katubigan sa Panatag Shoal nang hindi kailangan na makipagdigmaan sa kahit na kanino dahil nahaharap na ang bansa sa napakaraming suliranin na dala ng pandemya.
“Basta tayo, we will insist. We will fish in our territorial waters and that includes Panatag, We will not go to war.. di tayo makikipag-away pero hindi rin tayo magpapa-api,” sabi ni Moreno.
Ayon pa standard bearer ng Aksyon Demokratiko, kapag siya ay nahalal na pangulo ng bansa ay obligasyon na niyang proteksyunan ang lahat ng mga Pinoy kahit saan man sa Pilipinas at kahit saang panig ng mundo.
Ang responsibilidad, ayon pa sa kanya ay proteksyunan ang local resources ng bansa kung sa teknikal, kasaysayan at base sa tinatanggap na batas na ito ay pag-aari natin.
“As of now, me muscle sila (China). Pero lahat ng nasa itaas, wala nang pupuntahan kundi pababa. darating din ang pagsikat ng araw sa Pilipinas. Umiikot ang mundo,” sabi pa ni Moreno.
Ginawa ng alkalde ang pahayag bilang reaksyon sa pinakahuling insidente sa Panatag Shoal kung saan ang isang Chinese sea vessel ay iniulat na in-engaged ang patrol ship ng Philippine Coast Guard kung saan tinawag ito bilang “close distance maneuvering.”
Sinabi ng Foreign Ministry spokesman ng China na si Wang Wenbin na ang: ” area concerned is China’s inherent territory and that it has sovereignty over it and its adjacent waters as well as sovereign rights and jurisdiction over relevant waters.”
Iniulat naman ng PCG noong March 2 na ang Chinese Coast Guard Vessel ay gumawa ng close distance maneuvering sa BRP Malabrigo sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc.
Sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na ang insidenta ay pang-apat na sa nasabing lugar at malapit na talagang magkabanggaan. (ANDI GARCIA)