Advertisers

Advertisers

NEGOSASYON SA PAGBILI NG MAYNILA SA ELON MUSK’S SPACEX SATELLITE, MATUTULOY NA

0 541

Advertisers

‘PAG sinuwerte, ang pamahalaang lungsod ng Maynila ang unang-unang magkakaroon ng pinakamoderno, pinakamalakas na broadband internet system (BIS) na pag-aari ng bilyonaryong si Elon Musk.

Masayang ibinalita ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos makipagmitimg kina Rebecca Hunter, SpaceX senior manager for government affairs, at Raymond Garcia, SpaceX partner-representative for the Philippines and other Asian countries.

Mayroon nang 1,700 Starlink satellite sa kalawakan ang SpaceX na ginagamit sa maraming bansa.



Kung magtatagumpay ang negosasyon, maitatala ang Maynila na unang siyudad sa Southeast Asia na magkakaroon ng napakabilis at mahusay na BIS.

“I hope we can avail of Starlink low-orbit satellite soonest,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya pa, kung kaaawaan ng Diyos, “pwede tayong gunamit ng Starlink sa buong bansa pag tayo naging pangulo sa Mayo.”

Kung makakabitan ng BIS ng SpaceX, napakalaki ng maitutulong niyo sa pagbibigay ng mahusay at mabilis at tuloy-tuloy na serbisyo ng free internet sa Pilipinas.

Kapag nangyari ito, sinabi ni Isko na makapaglalagay ng 896 disks sa 896 barangay na magagamit sa 104 paaralang bayan, dalawang (2) kolehiyo sa Maynila.



Makakabitan din ng BIS ang pitong (7) ospital, 15 estasyon ng pulisya, Manila Police District headquarters, City Hall at iba pang opisina ng Manila City Hall, sabi ni Yorme Isko.

“… kung nag push through yon, e yung initial acquisition natin is for more than 1,000 plus satellite disk, isusunod dun sa University Belt, para meron silang access to fast, reliable, free internet services,” sabi ng pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Kung siya ang manalong pangulo sa Mayo 2022, pakakabitan niya ng BIS ang lahat ng isla ng Pilipinas para magkaroon ng pinakamahusay na libreng internet services.

“Gusto natin, magkaroon ng access to reliable, fast internet ang lahat ng karaniwang tao, ‘yung pag-aaral ng bata, magkaroon sila ng access to information. Kung magagawa ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, magkakaroon ng komersiyo, hanapbuhay at trabaho,” sabi ni Yorme Isko.

Basta sa kapakinabangan ng tao, uunahin niya, paliwanag ni Yorme Isko at sa pamamagitan ng SpaceX internet connection, mabilis tayong makakakilos at makakaaksyon, lalo na sa panahon ng krisis na dinadanas natin ngayon.” (BP)