Advertisers

Advertisers

OBIENA- JUICO FEUD, TUTULDUKAN

0 303

Advertisers

KUNG tuloy na ang inaasahang pagtupi ng sigalot sa pagitan ng PHILIPPINE ATHLETICS TRACK AND FIELD ASSOCIATION (PATAFA) at world class pole vaulter ERNEST JOHN OBIENA, malalaman bukas, araw ng Biyernes, Abril 1, ayon kay PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) Chairman WILLIAM ‘Butch’ RAMIREZ .

Nagningas ito sa pagkastigo ni PATAFA president PHILIP ELLA JUICO kay EJ kaugnay ng delay sa sahod ng coach nitong si VITALY PETROV. Paulit-ulit ang isyu na pilit inaayos ni PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE (POC) president ABRAHAM “Bambol” TOLENTINO, mula sa tangkang pagkakaso ng PATAFA kay EJ kahit idiniin ni PETROV na bayad lahat at di raw dapat ipapasan sa athlete ang responsibilidad na apektado ang training at kondisyon sa laban. Philippine peso ang padala ng PATAFA kaya hindi hindi maidirekta ang release dahil convertible pa sa euros.

Mula pa noong Nobyembre, lumaki ang sigalot hanggang sa isuspinde ng POC ang PATAFA dahil sa hindi pagkakasali ni EJ sa World Athletics Indoor Championship ngayong Marso, hindi inindorso ng PATAFA na required sa competition. Idineklara pa ng POC na persona non grata si JUICO dahil sa isyu.



Lumamig ang magkabilang panig sa gitna ng isinasagawang mediation, dahil umano sa konsiderasyon sa Philippine Sports. Una rito, hindi isinama ng PATAFA si EJ sa roster ng national athletes na lalahok sa SEA Games, pero dahil top pole vaulter ng bansa na continuous ang pagbitbit ng ,medalya, suportado ng POC at PSC ang laban ng World No. 5-rank athlete. Sana nga po, tuluyan nang matuldukan ang sigalot na makasisira lang sa imahe ng Philippine sports. Suportahan po natin ang ating mga atleta partikular ang world-class athletes na tulad ni OBIENA.

SMB, TNT, OUT SA PBA FINALS

BALIK- hardcourt at puno halos ang game venues sa pag-iral ng Level 1 at pagluluwag sa sitwasyon mula sa nagdaang kasagsagan ng pandemic. Yun lang daw mga bakunado ang kailangang pumasok sa venues, ayon kay Commissioner WILLIE MARCIAL, as per IATF.

Sa kainitan ng PBA games, hindi inasahan ang paglaglag ng defending rival teams na TALK N TEXT TROPANG TEXTERS at SAN MIGUEL

BEERMEN. Out na sila sa Finals. Sila ang naglaban sa kampeonato ng nagdaang Season 46 Philippine Cup na nasungkit ng TNT. Umalagwa ang GINEBRA at MAGNOLIA sa kartadang 2-1 as of writing sa Best of Five semi finals series. MERALCO ang kaharap ng MAGNOLIA at NLEX sa GINEBRA. SIla-sila pa rin so far, dahil sister companies yan. SMB sister teams ang MAGNOLIA at GINEBRA ni Big Boss RAMON S. ANG. Kay business tycoon MANNY PANGILINAN naman ang MERALCO at NLEX, sister teams ng TNT. Out lahat ang independent teams. Well, that’s it. Matiraang matibay at bilog ang bola.



MARCH HEYDAYS

HAPPY BIRTHDAY to ANNIE FRANCISCO DE LEON, KAREN S.GATBONTON, XIJIAN EZRAEL GATBONTON and Teacher EDNA SANTOS of Bataan.HAPPY READING!