Advertisers

Advertisers

Rufa Mae balik na sa ‘Bubble Gang’ sa pagbabalik-Pinas

0 417

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PAGKATAPOS halos ng mahigit na dalawang taon sa pamamalagi sa America ni Rufa Mae Quinto kasama ang kanyang asawa at anak ay hindi akalain ng komedyanang aktress na muli pala siyang tutungtong sa building ng Kapuso Station. Nabigyan kasi ng pagkakataon muli si Rufa na magbalik Kapuso at maging talent ng Sparkle GMA Artist Center.
Sa kanyang pagbabalik bansa ay nakatalaga na siyang maging parte muli ng show kung saan nahasa ang kanyang pagpapatawa, sa “Bubble Gang”. Masaya namang winelkam si Rufa Mae ng kanyang mga kasamahan sa naturang show kasama na ang mga bagong cast na hindi na niya nakasama noong nagpasya siyang mag-ober da bakod sa kalabang network.
Habang nasa Amerika ay nagpagawa si Rufa sa bansa ng isang bahay na tila hotel ang dating at magsisilbing tahanan niya at ng pamilya habang nasa Pilipinas.
Sa kanyang personal socmed account ay ipinost ni Rufa Mae ang bahay na pinagagawa at nilagyan ng caption na:
“Hello to our new house in the Philippines! After more than 2 years, nakita rin kita.”
Umani naman agad ng magagandang komento ang naturang post ni Rufa Mae mula sa kanyang supporters.
“Sobrang ganda Ate! Welcome back home! Parang pang-hotel lang ang peg nung bahay, ang taray,” say ng isang netizen.
***
MARAMING nagulat nang malaman ng mga supporter ng dating child star na si Francis Magundayao na nagbabalik showbiz ito at kasama siya sa sexy/suspense serye ng Vivamax na “Iskandalo” na pinagbibidahan nina AJ Raval, Cindy Miranda, Ayanna Misola at Sean de Guzman, na magsisimula nang mag-stream simula April 10 and every Sunday thereafter for 10 consecutive weeks sa Vivamax App.
Nagsimula sa showbiz si Francis bilang child star at siya ang gumanap na batang Iking sa fantaserye ng GMA 7 noon na ‘Darna’ na pinagbidahan ni Angel Locsin last 2005.
Nang maging teenager ay naging parte si Francis ng Star Magic at nakagawa ng maraming serye at shows sa Kapamilya Network hanggang sa magkaroon ng aberya ang ABS CBN 2 at lumaganap ang pandemya sa buong mundo.
Sa kanyang pagbabalik showbiz, sasabak na rin kaya si Francis sa mga bold and sexy roles, at ang stepping stone niya ay ang seryeng “Iskandalo”?
“Yung utak ko parang ready na pero yung katawan ko parang hindi, hahaha! Parang feeling ko hindi pa matutuwa yung mga makakakita sa akin.
“I think that’ll take time for me pa to reach that kind of artistry. But s’yempre, never say die. Bata pa ako kung iisipin ko talaga. Bata pa career ko. In fact, I think nagsisimula palang ulit ako as an actor in a different stage. So we’ll see,” say ni Francis.