Advertisers
Ni JOVI LLOZA
REGALO ni Matteo Guidicelli sa kanyang ika-32nd birthday ang pagbili nito ng napakalawak na farm sa Laguna.
Sa laki ng farm na may sukat na 10 ektarya, naparaming punong kahoy ang puwedeng itanim dito.
Puwede rin nga mag-alaga ng itik at bibe na dati na rin kasing nag-aalaga ang mudra ni Sarah Geronimo na ayon sa sitsit, nung may namatay daw na itik or bibe ay pinabayaran sa guwardiya nito.
Pero ‘di naman daw ‘yon sa panahon ng mag-asawang Matteo at Sarah mangyayari sitsit pa ng spy.
Nilibot naman ng mag-asawa ang malawak na farm nila sa Laguna.
Kita sa mga posted pic ng mag-asawa ang saya habang sila ay nakasakay sa kabayo.
Isa na naman nga ito sa tututukan ng mag-asawa.
Marami ngang bilib sa mag-asawa at tahimik at masaya lang silang namumuhay.
Tanong naman ng netizens, kailan kaya magkaka-baby ang couple? Well….
***
Willie, napa-react sa pagsabing mas mataas ang rating ng kapalit ng Wowowin
NASA huli talaga ang pagsisisi, tila may panghihinayang daw si Willie Revillame sa desisyong umalis sa Kapuso network.
Sa YouTube channel na lang at FB live napapanood ang TV host.
Sa paglisan nito ay pinalitan na siya ng Dapat Alam Mo at Family Feud ni Dingdong Dantes.
May mga nagkalat na sitsit na mas mataas pa nga raw ang rating nitong dalawang programa na kapalitan ng Wowowin ni Willie.
Kaya naman napa-react si Willie na sa kanila na ang rating.
Ang mahalaga ngayon kay Willie ay makapagpasaya at makatulong sa tao. Ang ginagawa naman nito sa live broadcast ng Wowowin niya dati sa GMA-7 ay ganun pa rin, nagbibigay ng mga papremyo kahit nasa You Tube at FB live na lang.
Masakit at labis daw na nasaktan si Willie sa pagkumpara sa kanyang show ng mga kapalitan nito.
Well, well, well…’Yun na!