Advertisers

Advertisers

Marian binuking, adik sa tsokolate

0 226

Advertisers

Ni ARCHEI LIAO

SA vlog na “Celesti fied” ng stylist at vlogger na si Celeste Tuviera, masarap ang naging tsikahan niya kasama ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.
Sa nasabing episode, nagbalik-tanaw sila sa unang engkuwentro noong ginagawa ng aktres ang seryeng “Marimar.”
Dahil baguhan daw si Marian, malaking pressure para kay Celeste kung paano ibabagay ang look ni Marian sa original Mexican actress na si Thalia na gumanap ng iconic role sa original.
Katunayan, metikoloso raw ang ginawa niyang curly extensions para sa hair ni Yan.
Pagbabahagi naman ni Marian, napakalaking hamon din daw sa kanya ang nasabing role ni Marimar.
Marami rin daw siyang pinagdaanan at isinakripisyo para mabigyan ng justice ang papel ni Thalia.
Diyeta raw talaga siya noon at talagang nakapokus kung paano pananatilihing beautiful ang kanyang body.
Ibinulgar naman ni Celeste na adik sa tsokolate ang aktres.
Pagbabalik-tanaw pa niya, naawa nga raw siya noon nang matakam ito at naghimutok sa set dahil hindi ito nakatikim ng chocolate.
Kaya raw ang ginawa niya, niregaluhan daw niya ng maraming tsokolate ang aktres after their taping.
Pagbubuking din ni Celeste, namamangha raw siya lagi noon sa set ng naturang serye dahil ang daming dumadalaw na manliligaw sa aktres na nagdadala ng iba’t ibang regalo, bago pa man nito nakatuluyan ang mister na si Dingdong Dantes.