Advertisers

Advertisers

Mas karapat-dapat ba si ISKO kaysa kay PACMAN?

0 200

Advertisers

A leader is best when people barely know he exists, when his work is done, his aim fulfilled, they will say: we did it ourselves. — Chinese philosopher Lao Tzu

PASAKALYE:

Chat message . . .



Alam mo pards kawawa talaga si Pacman. Alam mo kung gusto niyang tanggalin ang corruption, he could start right in his inner circle of campaign staff or group, whose assistance extended to him is measured by how much money they all get in return, which could be a good idea for you to develop, if you want it. Iyong iba nga o baka halos lahat, the money entrusted to them to shell out to Pacquiao’s fans ei alam mo na kung saan napupunta. Like the old clique of hatian: one for you, two for me; one for you, three for me; or worst, none for you, all for me. — Romy M ng Anchorage, Alaska, USA

* * *

SA ating pasakalye, nabanggit ng ating kaibigan ang kaawa-awang kalagayan ni senador MANNY PACQUIAO sa kanyang pagnanasang manalo bilang pangulo ng Pilipinas sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Tunay ngang nakakaawa ang kalagayan ng Pambansang Kamao dahil nabulag siya ng mga taong nakapaligid sa kanya na malaki umano ang tsansa niyang magwagi. Hindi lang alam ng ating Pinoy boxing icon na ginagamit lang siya ng kanyang pinagmamalaking Pacquiao Team dahil matalo man ang kanilang kandidato ay mababayaran sila sa pahapiyaw na pangangampanya.

Alam naman nating mahihirapan si Pacman na manalo bilang pangulo. Ituring man siya ‘Man of Destiny’, tulad ng sinasabi ng mga nasa kampo niya at ibinibida pa sa mga paggamit ng numerology sa bilang niyang numero 8, sadyang wala siyang kapana-panalo dahil maling-mali ang pamamaraan na ginagamit para isulong siya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.



Ito na lang ang isipin natin, sabi ni Pacquiao ay target niyang makopo ang boto ng mahihirap—yaong mga nasa antas na mababang C, D at E sa ating lipunan. May wastong direksyon ito subalit ang mga nakapaligid bas a kanya ay gayun din ang sinusunod. Paano maniniwala sa kanila ang mga botanteng mahihirap kung haharap sila sa mga dukha nang nakagayak ng mga designer na damit at sapatos habang bumibiyahe sa mga luxury car na Chevrolet at Escalade?

Isa pang patunay na sadyang mali ang pangangampanyang tinatahak ng Pacquiao Team ay ang resulta kamakailan ng isang survey sa presidential race na nagpakitang nalamangan at naalis sa ikatlong puwesto ang Pambansang Kamao ni Manila mayor FRANCISCO ‘Isko Moreno’ DOMAGOSO.

Kung tunay ngang nagtatrabaho ang campaign team ng butihing senador, dapat ay paangat ang kanyang antas sa survey at hindi pababa. At sino ba itong si Isko na maungusan niya sa popularidad ang ating Kampeon sa boksing? Bakiot mas marami ba siyang nagawang bagay na dapat ikarangal ng bawat Pilipino? (Marahil sa dami ng mga ghost employee sa city hall) . . .

Ang kailangan siguro ay tanungin ni Pacquiao ang kanyang team kung bakit naungusan siya ni Domagoso . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!