Advertisers

Advertisers

Nikki Valdez at Ogie Diaz nagreak sa mga akusasyon laban kay VP Leni Robredo

0 185

Advertisers

MAHINAHONG inihayag ni Kapamilya actress Nikki Valdez sa ilang bashers na ‘wag daw mag-away-away dahil lang sa magkakaiba ang kanilang pananaw at paninindigan sa darating na eleksyon.

“Wag po tayo magig mapangutya dahil lang sa iba ang napupusuan nyo sa napupusuan ko.Give yourself the chance to think twice before commenting,” sabi ni Nikki.

Ang pahayag na ito ni Nikki ay bunsod ng pinost niya sa kanyang Instagram tungkol sa pakikipag-usap sa isang delivery driver na gaya niya ay tagasuporta rin ni VP Leni Robredo o proud KakamPink.



Mensahe ni Nikki sa kanyang followers: “42 days to go!!!Halika na’t kumausap para maraming mamulat sa isang #GobyernongTapatAngatBuhayLAHAT!!”

Dahil dito kaya dinagsa ng mga negatibong komento ang post ni Nikki na ibinalandra pa ng mga ito ang mga kandidatong sinusuportahan.

Pakiusap ng aktres, “Sa mga nagcomment or magcocomment dito sa post ko ng napupusuan nilang iboboto, tanungin po natin ang mga sarili natin BAKIT SIYA ang gusto natin?

“Let’s be good to each other. Subukang maging peaceful ang pangangatwiran. Di naman natin kailangan mag away away,” dagdag pa ni Nikki.

Samantala, nanindigan naman ang talent manager na si Ogie Diaz na ipapuputol ang kanyang ari sakaling totohanin anya ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa na ipapuputol nito ang kanyang dalawang paa sakaling mapatunayan na binabayaran siya sa pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.



“Natutuwa ako para dun sa mga artistang kinukuha nila kasi sigurado ako may TF yan. Ang ibig sabihin ng TF ay talent fee.

“Eh sa atin (BBM camp) walang TF. Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama,” sey ni Oropesa.

Dahil dito, agad na nagreak si Ogie sa nasabing pahayag laban sa kanilang mga artistang nakasuporta kay VP Leni.

“Sige po, pakigalaw na po ang itak. Pero since kayo ang accuser, patunayan nyo. Aware naman kayo na uso ang resibo ngayon, maglabas kayo ng ebidensya.”

Dayalog pa ng nabanggit na talent manager, ni singkong duling daw ay wala siyang tinatanggap. Wala rin umanong inalok dahil sila ang unang nagpresinta sa team ni VP Leni para mag-host.

“Kaya naman ako noong sinabi niyang ipapaputol niya ang dalawa niyang paa kung may mapatunayan na may binabayaran sa kanyang kampo, sa amin mas pinatutunayan niya na merong binayaran.

“Kapag pinaputol niya yung dalawa niyang paa, ipapaputol ko ang notes ko,” hamon ng naturang manager.