Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
DAHIL alert level 0 na tayo ngayon dito sa Metro Manila, meaning puwede na ang face to face meeting coz sinugpo na ni Lord God Jesus Christ ang Pandemic kaya naman hitik sa utaw ang mga rally ng mga kandidato this coming election as in waley nang protocol as in social distancing, so ibig sabihin balik na uli tayo sa normal living here on earth.
Isa na nga si Kapamilya star Vhong Navarro sa natutuwa sa true lang kasi umaasa siya na very very soon ay muli na nilang makakasama ang madlang pipol sa studio ng It’s Showtime.
Ngayong medyo niluwagan na ang pandemic restrictions sa bansa, partikular na sa Metro Manila, umaasa si Vhong na papayagan na uli ng ABS-CBN ang magkaroon ng live audience sa kanilang studio.
“Ang sarap ng pakiramdam na nagbabalik na tayo sa normal ulit unti-unti. Excited ako kapag may madlang pipol nang magbabalik.”
Hindi lang ikaw ang excited Vhong kundi pati kaming nasa Entertainment Media coz for almost 2 years affected din kami sa nangyaring pandemya. Wala kasing face to face preskon na nakakausap namin ang mga artista, kapamilya man o kapuso o kapatid at pati na rin ang mga bagong pasok na artista sa showbiz na siyempre need din namin makilala nang personal at mainterbyu. Yon na!
***
MAS lalo namang nararamdaman ng viewers of Kapuso Network TV series na First Lady airing at 8 in the evening mula Lunes hanggang Biyernes ang init ng Summer Heat dahil sa bikini showdown ng female lead stars dito.
Tuluy-tuloy ang pagrampa at patalbugan ng magagandang Kapuso stars ng FL tampok sina Sanya Lopez, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista, Cai Cortez, Annalyn Barro, Cassy Legaspi at Alice Dixson.
Bongga! For sure aliw din ang leading man nila na si Gabby Concepcion at busog na busog ang kanyang mga mata sa mga nagseseksihang wankatitat ng kanyang mga co-female star sa FL. Wanna bet, ha,Log? Insert smiley,u!
***
HINDI rin naman nagpataob ang fresh episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko titled Summercation airing tuwing Linggo ng gabi at 7 in the evening.
Ang theme naman ng kanilang fresh episodes ay pa-machohan headed by Paul Salas, atbp. na timing lang sa summer heat.
Kaya tuloy si yours truly ay naeengganyong mag-bikini sa isang beach resort na malapit sa Tagaytay basta huwag lang puputok ang Taal Volcano, boom ganernn! Buhket ba eh may K pa naman ang Lolah nyo, noh! Char and no charrr, hahaha!