Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY bagong serye si Carlo Aquino sa ABS-CBN na How To Move On in 30 Days? na mapapanood na simula sa April 4 sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Dahil ‘yun ang title ng serye ni Carlo at kahihiwalay lang din niya sa dating karelasyon na si Trina Candaza, kaya natanong siya sa mediacon nito, kung mabilis ba siyang maka-move on sa break-up.
Sagot niya,”Parang walang timeline, e. ‘Yung moving on, parang proseso ‘yan. In time, mawawala siguro. Mawawala na lang siya eventually. Minsan nga, hindi mo alam, naka move-on ka na pala.”
Paano ba siya nagmu-move on”
“Spend time with friends. Nature, punta sa dagat, sa bundok.
“Kuwento nang kuwento sa mga kaibigan hanggang manabang sila. Pero hindi naman importante na sila ‘yung manabang, kasi kailangan ‘yung sakit mo ‘yung manabang. So ikukuwento mo pa rin kahit ayaw na nila, hanggang sa mawala na ‘yun,” aniya pa.
Masaya naman daw ang buhay niya ngayon pero hindi niya diretsahang inamin na hiwalay na nga sila ni Trina, na may isang anak siya rito, na si Enola Mithi.
Natutuwa naman si Carlo na nakakasama pa rin niya ang anak para makapag-bonding sila. Hindi ito pinagdadamot sa kanya ni Trina.
***
INIMBITAHAN ng mommy Teresita ng namayapang aktor na si Rico Yan ang ex-girlfriend nito na si Claudine Barreto sa paggunita sa 20th year na kamatayan nito.
Sa Manila Memorial Park, Parañaque City kung saan nakalibing si Rico, roon ginanap ang pag-alala sa death anniversarry nito, na dinaluhan din ng kanyang mga tagahanga .
Si Rico ay namatay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.
Ang mommy Teresita ni Rico ang unang nagsalita at nagpasalamat sa lahat ng hindi nakalilimot sa kanyang anak.
Sabi niya,“Tinatanong ni Bobby [Yan, Rico’s eldest brother] sa akin, sabi niya, ‘How do you process the fact that Rico has been gone for twenty years?’
“Sabi ko, ‘You know, I think I’m in a very unusual place, a very privileged place, because Rico is gone but people still love him.’
“I guess, you cannot find anybody who’s in that place because I have friends who have lost their children. But that’s it, they lost their children.
“Pero si Rico, buhay, buhay, buhay wherever I go, whether it’s here, whether it’s in the States… wherever I go.”
“I know people who still love Rico and I am very, very grateful for that.
“Kaya even if he’s gone, of course we miss him, that’s natural, but I think he lives in your heart, he lives in our hearts and, of course, in Claudine’s heart.”
Napaluha naman si Claudine nang marinig ang pagbanggit sa pangalan niya ng mommy ni Rico.
“I decided to invite Claudine after twenty years.
“She’s been part of Rico. Rico loved her. She loves Rico. That won’t change.
“So, after twenty years. that’s it, so now let’s celebrate that, not only the 20th death anniversary of Rico but with Claudine by my side,”
Pagkatapos magsalita ay niyakap ni Claudine si Mrs. Yan.
Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng nagpunta at bumisita sa puntod ni Rico.
Sabi niya,“Salamat sa pagpunta ninyong lahat. Thank you Tita for inviting me.
“Rico is so happy right now, sobrang saya niya.
“Isa lang talaga yung hinihingi ko, twenty years ago, na huwag natin siyang kalimutan.
“Pero ginawa niyo talaga so thank you so much.”