Advertisers

Advertisers

Kwento ng 2 hotdog!

0 244

Advertisers

MAGKAKAMPI silang dalawa sa isang paliga ng basketball.

Yung isa super hotdog ang taguri. Yung pangalawa mahusay din pero mas pakilala sa depensa Pangtapat nga sa mga imported hotdog.

Ilang titulo rin kanilang napagwagian, bagama’t mauna sa pro league yung isa ng anim na taon.



Taga Maynila at taga-Bisaya. Parehong sa iisang prangkisa lang sila nagdribol kaya retirado kanilang mga numero.

Kapwa naging team official pagkatapos ng kanilang mga career.

Ngayon humaharap sila sa kani-kanilang bayan bilang mga kandidato.

Si Manileño sa isang eastern town sa pagka alkalde habang si Bisaya sa lupang tinubuan sa pagka konsehal.

Bilib si Pepeng Kirat sa kanilang galing sa game na paborito nating lahat. Pero hindi sang-ayon si Pepe sa choice ng kani-kanilang pangkat na suportahan na presidentiable.



Mangyari yung anak ng diktador at tax evader napili ng kanilang mga grupo. Opo yung ubod ng sinungaling.

Si mayoralty candidate mukhang dumipende sa ka tandem na dating pinuno na ng kanilang lugar. Habang ang council aspirant ay siyempre susunod sa suportado ng kanilang mayor na artista rin.

Si Pepe tuloy atubiling tumulong sa kanila kasi saradong kakampink yan. Dati raw may mga pag-uusap na sila sa pulitika pero hindi niya inaasahan na ngayon na papalaot ang mga idolo niya at nagkaiba pa sila sa pinakamataas na puwesto.

Naniniwala siya na matalino ang dalawa nguni’t hindi niya maunawaan ang pick nila sa Presidente.

Siguro raw yan political dynamics sa mga area na kandidato sila.

***

Ang isa pang ikinalulungkot ni Kirat ang sinapit ng Lakers ngayong season.

Ang sama nga naman. Ni sa play-in phase ay baka mawala pa.

Bawi na lang sina LeBron James sa susunod. Pero dapat overhaul na muna line-up.

Malaking desisyon yan kina Jeannie Buss at Rob Pelinka. Rebuilding time.

Malamang ma-trade si Russell Westbrooke o si Anthony Davis. Posible rin pareho.