Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Rommel Calahati at JM Calma upang buhatin ang San Sebastian College sa kanilang unang tagumpay sa NCAA Season 97 seniors basketball tournament, sa iskor na 63-58 decision laban sa makulit na Perpetual Help Biyernes sa La Salle Greenhills.
Kumamada si Calahati ng 17 points,eight rebounds at four assists, Habang si JM Calma umiskor ng lima sa huling nine points ng Golden Stags, kabilang ang go-ahead three sa 2;34 nalalabi para maging 57-55 affair, at nagtala ng 14 points,nine rebounds at two blocks.
“Sa totoo lang, I always say that this team is a defensive-minded team. Yung pag-accept nila ng responsibility, bonus na lang sa akin yun,” Wika ni coach Egay Macaraya.
Ichie Altamirano nagdagdag ng 12 points on 2-of-8 shooting from deep, at three rebounds upang tulungan ang San Sebastian sa kanilang pambihirang tagumpay matapos mabigo sa kanilang unang assisgnment kontra Arellano.
Jielo Razon pinamunuan ang opensa ng Perpetual sa iniskor na 22 points,six rebounds at two assists.
Ang Altas ay nanateling bokya sa dalawang laban.