Advertisers

Advertisers

Pantay na opurtunidad para sa kababaihan, suportado ni Honey Lacuna

0 228

Advertisers

HINIKAYAT ni Manila Mayoralty candidate Dra. Honey Lacuna ang lahat ng kababaihan na patuloy na kumawala sa de kahong trato at ‘wag pumayag na sabihang “babae lamang.”

Nakikita ni Lacuna ang isang lipunan kung saan pantay na binibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan gaya ng kanyang naranasan bilang kauna-unahang babaeng Bise Alkalde ng Maynila.

“We’ve come a very long way. Napakalayo na po ng inabot natin from the time na nabigyan tayo ng chance para bumoto hanggang sa ngayon,” ayon kay Lacuna.



“Sana huwag tayong mahinder dahil tayo ay isang babae lamang. Sana mas marami pa tayong mapatunayan dahil tayo ay co-equal ng mga kalalakihan, at kung ano man ang kanilang kayang gawin, kayang-kaya rin po nating gawin,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Lacuna ay kaugnay ng huling araw ng pagdiriwang ng bansa ng National Women’s Month noong Huwebes, Marso 31.

Ayon pa kay Lacuna ay nakikita niya na ang mga kababaihan ay pagkakalooban ng panta na pagkilala hindi lang sa Maynila, kundi sa buong bansa.

Binigyang diin ni Lacuna na ang Maynila ay isang gender-friendly city na patuloy na kumakawala sa gender stereotypes sa lahat ng aspeto.

“Here in Manila, lahat pantay-pantay — walang babae, walang lalake, walang bakla, walang tomboy. Ang tingin po namin sa lahat pare-parehong may kakayanan at kagalingan,”



“I’m hoping po sa buong Pilipinas ganito rin ang mangyari para maging competitive po tayo sa lahat ng bagay kahit sa ibang bansa. Magsimula po tayo sa atin, pantay-pantay po ang pagtingin natin sa isa’t isa,” dagdag pa niya. (ANDI GARCIA)