Advertisers

Advertisers

Ping at Tito Sen, inalala ang nakaraan sa YT nina Ciara at Iwa

0 399

Advertisers

TIMEOUT na muna sa nakaka-stress na usaping pulitika sina Ciara Sotto at Iwa Moto kaya iniba nila ang tema ng interbyu kina presidential aspirant Sen. Ping Lacson at VP nitong si Sen. Tito Sotto.
Sinariwa sa nasabing panayam ang nakaraan ng dalawang senador na ipinakita pa ang mga lumang larawan nina Lacson at Sotto.
Hindi napigilan ni Ciara na mapatawa nang makita ang pikyur ng ama na kuha noong 1977 na payat pa at balbas-sarado habang bukas pa ang polo.
Salaysay ni Tito Sen, nagpoprodyus pa anya siya ng musika noon at kaya anya hindi niya isinara ang kanyang polo ay para ipakita ang kuwintas na regalo raw sa kanya ng misis na si Helen Gamboa.
Samantala, may katabi namang bata ang larawan na Ping na kuha noong 1989.
Tsika ng senador, nakatalaga raw siya noon bilang opisyal ng PNP at ang katabing bata ay nasagip niya mula sa mga dumukot dito.
Dagdag ni Lacson, agad anya siyang kumilos para hanapin ang bata na limang araw nang nawawala.
“Sabi ko ‘pag ito pumalpak uuwi na ko ng Manila. Wala akong mukhang ihaharap dito, baka sabihin ako pa nagdala ng malas dito sa Cebu,” sabi ni Ping.
Proud na sinabi naman ni Iwa na never tumanggap ng pabuya ang kanyang biyenan mula sa mga magulang ng mga nasasagip nito.
Sey naman ni Sotto, nang magpunta raw sila ni Ping sa Negros Oriental ngayong taon lang, pinuntahan sila ng nasabing bata na ngayon anya ay nasa humigit 30-anyos na ang edad.
“Mama [malaki] na siya,” sabi ni Tito Sen sa bata na 5 gulang noon lang nang masagip ni Lacson.
Napagkuwentuhan din ang pagkakaroon ng dalawa ng bulaklaking polo na ayon kay Ping, checkered na raw ang isinusuot niya ngayon na simbulo ng hard work.
Sa usaping basketball naman, walang pagtatalunan sina Lacson at Sotto dahil pareho ang paborito nilang NBA players na sina Lebron James at Michael Jordan.