Advertisers

Advertisers

Princess of Love Songs Diane de Mesa, “My Everything” ang bagong ni-release na album

0 181

Advertisers

MASAYA ang Princess of Love Songs na si Diane de Mesa sa kanyang bagong release na 5th album, ang “My Everything”. Tinatampok dito ang 13 original songs na mismong si Diane ang nagsulat. Lahat ng awitin ay inareglo ni Elmer Blancaflor. Ang album ay puro mga hugot love songs at kwentong pag-ibig na tiyak maraming makaka-relate.
“You are my everything” ay isang wedding song na collaboration with saxophone artist, JohnRhythm mula sa Saint Cloud, Florida. Mayroon ding duet si Diane sa kantang “Ikaw pa rin” na kasama si Nants del Rosario na vocalista ng grupong Innervoices. Ang lahat ng instrumental tracks ay mixed ng isang batikang mixing engineer na si Dante Tanedo. Tinulungan din si Diane ng kanyang bandang LSS Sessionists na sina Greg Felix, Audy Felix at Jason Marrero sa iba pang mga instrumentong idinagdag dito na guitar solos, drums at bass mula sa San Jose, California.
Mayroon ding kontribusyon si Christopher Buenviaje sa gitarang dagdag sa mga awit. At siya namang mix at mastered ni Salvatore Manalo na mula sa Portland, Oregon.
Nagsimula si Diane na magsulat para sa album na ito simula pa ng pandemic nuong 2020. Mahaba ang naging proseso sa pagtapos ng album na ito, saad ni Diane. Pero siya ay masaya at nagpapasalamat sa mga nakatulong sa kanya sa album na ito at sa kabila ng distansya sa lahat ng taong sangkot sa proyektong ito mula sa California, Pilipinas, Florida at Oregon ay naitaguyod ito nang maayos.
Nagpapasalamat din si Diane sa kanyang manager na si Michael Miko Villanueva sa kanyang paggabay sa pagbuo ng album na ito.
Bukod pa rito ay masaya rin si Diane dahil naka-1 Million streams na ang kanyang “Fly Away” album sa Spotify!
Mapapakinggan ang bagong album ni Diane at ang kanyang iba pang mga awitin sa lahat ng digital platforms gaya ng Spotify, Apple Music, Youtube Music, Pandora etc. Maaari ring makakuha ng kopya ng kanyang CD sa kanyang official website sa http://www.dianedemesa music.com .