Advertisers
Ni Blessie K. Cirera
KAHIT nakabalik na sa kanyang tirahan sa Wisconsin, USA ang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels mula sa kanyang bakasyon dito sa Pinas, hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang singing career.
Tsika ni Rozz sa interview, itong buwan na ito ay nakatakda raw siyang pumunta ng Los Angeles, California upang i-record ang kanyang dalawang kanta pa na composed by Ms. Ivy Violan.
Makikipagkita si Rozz kay Ms. Ivy para sa recording ng mga nasabing awitin. Matatandaang ang unang kanta ni Rozz na Alay Sa Yo ay nilikha rin ni Ms. Violan at kinanta na ito ni Rozz sa idinaos niyang presscon nang umuwi siya rito sa bansa nitong nakalipas na Disyembre, 2021.
Ang second song na ire-record ni Rozz ay may pamagat na Bakit habang ang pangatlo ay Song for David.
Good news din sa mga tagahanga at nagmamahal kay Rozz. Nabanggit kasi nito na nilalakad daw ng kanyang manager na si Ms. Grace Figues ang pag-aartista niya sa Viva ni Mr. Vic del Rosario lalo pa at nakitaan siya ng potensyal sa pag-arte lalo na sa comedy.
Kahit sa singing naka-focus si Rozz, hindi niya inaalis ang posibilidad na mapasok na rin ang pag-aartista.
Gayundin, kahit busy sa kanyang work sa Amerika, tuloy pa rin ang KUMU show niyang Rocks & Rozz tuwing Sabado, 10 ng umaga kasama ang mga anak-anakan niyang sina Jerome Sang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, Jerome Torregosa, ang inyong lingkod at si Ms. Irelyn Arana na nasa Chicago.
‘Ika ni Rozz, masaya siya na nakapagbibigay ng kasiyahan sa kanilang viewers sa kanilang pag-awit at kuwentuhan.
Umaasa si Rozz na makabalik sa Pinas ngayong Disyembre lalo na ‘pag na-nominate ang kanyang kanta sa darating na Aaliwin Kita Awards Night.
Sabagay, hindi na ganun kahigpit ngayon ang protocols sa pandemic kaya may posibilidad din na matuloy na ang balak na show-concert ni Rozz sa mall.
Congrats and see you soon, Rozz Daniels!