Advertisers

Advertisers

Angel bumalik sa Marawi City para sa relief operation

0 187

Advertisers

SA guesting ni Angel Locsin sa YouTube channel ni Ogie Diaz, sinabi niya na ang pinaka-wish niya ay ang makakita ang amang si Mr. Angel Colmenares para naman daw makita nito ang mga achievements niya noong nasa tuktok siya ng tagumpay.
Nangyari ang pagkawala ng paningin ng daddy ni Angel noong bata pa lang siya at nagsisimula pa lang din gumawa ng pangalan sa showbiz.
“’Yun ang pinanghihinayangan ko sa buong buhay ko lalo na dati nu’ng peak ko, halos lahat ng part ng EDSA may billboard ako sunud-sunod.
“Siguro kalahati ng Pilipinas alam ‘yung mukha ko. Pero ‘yung tatay ko hindi alam ang mukha ko,” naluhang sabi ni Angel.
“’Yun ang pinanghihinayangan mo, sobra?” tugon ni Ogie.
“Oo, kami nu’ng kapatid kong bunso rin. Kasi hindi na siya nakakita nu’ng nagdalaga na ako.
“Basta mayroon siyang TV kahit hindi siya nakakakita. Pag may mga teleserye ako nanonood ‘yan ganyan. Pag may mga balita sa akin sa radyo nakikinig ‘yan. Minsan mas alam pa nga niya ‘yung mga nangyayari kaysa sa akin siyempre pag busy tayo hindi naman natin na napapakinggan, di ba?
“Siya (daddy niya) updated pa rin siya, gumagawa siya ng paraan para maging alam mo ‘yun para maging involved pa rin sa buhay ko,” pahayag ni Angel.
Dito na ikinuwento ni Angel ang dahilan kung bakit nawalan ng paningin ang ama.
“Nagkaroon siya ng retinal detachment, parang first year high school o elementary at doon na lang namin nalaman noong nagpa-laser siya. ‘Yung isang mata niya pala matagal nang bulag hindi niya sinasabi sa amin.
“Nu’ng tinanong namin kung bakit hindi niya sinabi sa amin, sabi lang niya, ‘hindi naman kailangang sabihin.’
“Hindi siya naga-ano (hanap) ng simpatiya o excuses, wala, sabi lang niya ‘nagpa-function naman ako.’
“So, nagpa-laser siya after three years nagkaroon na ng retinal detachment hindi na talaga kaya. Tapos nu’ng time na ‘yun may mga puwedeng treatments pa pero hindi ko pa kaya ‘yung time na ‘yun,” sabay tawa ni Angel para pigilan na rin ang pag-iyak
***
TUNGKOL pa rin kay Angel, nagbalik siya sa Marawi City limang taon mula nang una siyang bumisita roon.
Nagsagawa ng relief operation si Angel doon noong 2017. At nitong Biyernes, April 1, 2022, ikinampanya naman niya si presidential aspirant Leni Robredo.
Sa Instagram post niya noong Sabado, ipinakita ng aktres ang pakikipag-usap niya sa mga residente roon.
Ipinarating ni Angel sa mga ito ang pangako ni Robredo na pabibilisin ang rehabilitasyon ng Marawi sakaling siya ay mahalal na pangulo.
Excited ding ibinahagi ni Angel na nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ang isang beneficiary ng Angat Buhay Village, programa ng Office of the Vice President na pinamahalaan ni Robredo.
Matatagpuan doon ang transition shelter units para sa evacuees ng Marawi City.
Sabi ni Angel sa isa niyang Instagram Story, “was able to see the Angat Buhay Village Marawi benefiary Ate Farida Saga.
“Ate Farida is an AB village resident and partnered with an AB partner to produce PPEs and masks during the height of the pandemic.”