Advertisers
Ni WALLY PERALTA
CAUGHT off guard ang young actor na si Kelvin Miranda sa isang portion na Question and Answer ng programang ‘Mars Pa More” nina Kim Atienza, Camille Prats and Iya Villania, nang walang kaabog-abog ay may nag-flash sa screen na celebrity at nagtanong kay Kelvin kung sino ang mas feel niyang ka-loveteam, si Mikee Quintos ba na naging first loveteam niya para sa serye nilang ‘The Lost Recipe’ o ang de kalibreng aktress na si Beauty Gonzales na nakapareha naman niya sa isang May-December love affair, ang ‘Stories From The Heart: Loving Miss Bridget’?
Kung matatandaan ay parehong nag-klik sa masa ang dalawang nabanggit na serye at gayun din nagpakilig ito nang husto sa televiewers.
“Hi, Kelvs. Ito ang ‘tarantanong’ ko para sa ’yo. Mas gusto mo bang ka-love team si Beauty kesa sa akin? Hahaha! Good luck,” tanong ng celebrity na si Mikee sa video.
“On the spot, ah. No. Wala naman akong paboritong leading lady o katrabaho.
“Ako, nasa stage pa ako na nag-e-explore. Gusto ko makatrabaho lahat. Parang walang tinutukoy na specific, parehas ko naman silang gusto,” safe answer ni Kelvin.
At sa ngayon ay may ikatlong leading lady na rin gugustuhin na makapareha si Kelvin, ang Kapuso young actress na si Bianca Umali na napapanood silang dalawa sa series na ‘Mano Po Legacy: Her Big Boss’.
***
MASASABI talagang strong girl si Barbie Imperial pagdating sa pagmo-move on sa hiwalayan blues sa mga nakarelasyon.
Halos ilang buwan lang ang tinatagal. Tulad na lang sa huling naging karelasyon niyang si Diego Loyzaga, na sinabi niya sa isang panayam na after three months nang break up nila ni Diego ay moved on na ang kanyang beauty.
Napanatunayan ni Barbie ito na na-let go na niya si Diego nang minsang lumabas sila at nag-usap ng dating boypren kamakailan sa isang restawran.
Ani Barbie, masaya na niyang natanggap na friends na lang daw talaga sila ni Diego at no hurts feelings sa naging desisyon nilang dalawa.
“Okay po kasi kami. Hindi po kami magka-away pero hindi naman po kami nagkabalikan. Friends lang, friends. Kulitan lang. Ngayon po siyempre sobrang happy na talaga ako. Finally, finally after three months ng break-up namin I am okay na, happy,” saad ni Barbie.
Talagang sineryoso ni Barbie ang pagmo-moving on noong naghiwalay sila ni Diego at muling pinanindigan sa sarili na never siyang nakikipagbalikan na sa mga karelasyon na hiniwalayan na niya.
“Ako po kasi naniniwala talaga ako na ‘yung power ng time na maghi-heal ka talaga. Hindi mo siya kailangang madaliin; darating at darating talaga siya. So patience lang talaga na everyday sasabihin mo sa sarili mo na magiging okay din,” dagdag na say ni Barbie.