Advertisers

Advertisers

Boosted and fit sa pandemic!

0 1,753

Advertisers

MAHIGIT 2-taon na mistulang na-HOSTAGE ang halos buong mundo sa naging pananalasa ng COVID-19 na libo-libong katao ang nangamatay at ngayong tila papawala na ang pandemic ay kung anong pananakot na naman ng mga HEALTH EXPERT na kailangang sumailalim sa BOOSTER SHOT para sa tiyakang proteksiyon ng kalusugan.., pero huwag mag-alala dahil may FOOD SUPPLEMENTS nang maiinom bilang pampalakas sa ating BODY IMMUNE SYSTEM.

Nitong Sabado sa isinagawang PRESS FORUM sa ESTANCIA DE LORENZO FARM RESORT & EVENTS VENUE, SAN MATEO, RIZAL ay may FOOD SUPPLEMENTS na makatutulong sa kalusugan bilang “BOOSTED AND FIT IN THE PANDEMIC”.., na ito ay nalikha ng isang kinikilalang TOP-US BASED IMMUNOLOGY EXPERT na si DR. EMMANUEL SARMIENTO.

“Supplements are critical because there is something called micronutrient malnutrition. You can feel healthy but if your body is not taking the right amount of micronutrients from the food you eat, then ypu can still get malnutrition. Supplements that are immunity boosters, in particular, are important for patients undergoing chemotherapy, or those preparing for surgeries or are still recovering. Older people must also be taking the right supplements because they are likely to undergo immunosenescence, the process of immune dysfunction that comes with age,” pahayag ni DR. SARMIENTO na noong taong 2020 ay kinilala siya ng SOUTH CAROLINA bilang TOP ALLERGIST AND IMMUNOLOGIST.



Noong kasagsagan ng PANDEMIC ay pinayuhan ni DR. SARMIENTO ang kaniyang mga katrabaho sa MEDICAL INDUSTRY sa AMERIKA na kinakailangang mag-immunoboost ang mga ito dahil sa peligro ng kanilang propesyon bilang frontline workers. Ayon sa kaniya, marami sa mga kasamahan niya na gumamit ng food supplement sa kanilang diet ay hindi nahawa ng COVID-19 bago pa man nagkaroon ng COVID VACCINES.

“Immunoboost is not a cure on its own, but is important to prime, strengthen and balance the immune system. While adopting a healthy lifestyle and having good nutrition are proven to be helpful, in many cases these alone are not enough,” pagpapaliwanag pa ni DR. SARMIENTO.

Ang tinutukoy ng naturang IMMUNOLOGIST ay ang kaniyang nalikhang FOOD SUPPLEMENT na ESSEN IMMUNOBOOST SP at ang ESSEN FIT na maaari na umanong mabili sa mga botika sa buong bansa.., para mapalakas ang naturalesa o ang resistensiya ng pangangatawan bilang panangga laban sa mga virus!

***

ANTI-MARCOS MGA BOBO?



Sa mga bumabatikos sa hindi pagbabayad ng buwis ang MARCOS FAMILY sa kabila nang naging kautusan ng SUPREME COURT na magbayad na ang mga ito ay tila BOBO ang naging pananaw ng mga ANTI-MARCOS.

Sa DIRETSAHANG PANANAW MEDIA FORUM ni ATTY. AL VITANGCOL ay inihayag ni SENATORIAL CANDIDATE LARRY GADON na.., ” paanong magbabayad ang mga MARCOS e hindi pa natutukoy kung ano-ano ang mga pag-aari nila lalo na at marami ang mga sinamsam na mga ari-arian nila noong administrasyon ni dating President Corazon Aquino ”

Ang halagang P200+ bilyon na utang umano ng mga MARCOS ay imbento lamang ng mga ANTI-MARCOS para sirain ang kandidatura nito sa pagiging PHILIPPINE PRESIDENT.

Malaki ang punto ni ATTY. GADON na imbento nga lang ang nasabing bilyong halaga na pagkakautang ng mga MARCOS sa gobyerno.., dahil hanggang ngayon ay hindi pa nga natutukoy ng korte kung ano-ano nga ba ang mga ari-arian nilang dapat buwisan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
.