Advertisers

Advertisers

Entrance sa Manila Zoo, libre pa rin – Isko

0 290

Advertisers

NANATILING libre ang entrance sa Manila Zoo hanggang sa maging fully functional na ito

Ito ang inanunsyo ni Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng panghihikayat niya sa mga magulang na may mga anak na edad lima hanggang 11 na dalhin na sa Manila Zoo para mabakunahan.

“Pabakunahan ninyo ang mga anak ninyo sabay pasyal, para di na kayo magastusan. Libre, maaliwalas. Welcome po kayo sa Maynila,”pahayag ni Moreno na nagsabi din na ang vaccination sa loob ng Manila Zoo ay nagpapatuloy ss ilalim ng “open policy,” kung saan maging ang mga hindi nakatira sa lungsod ng Maynila ay maaaring magpabakuna sa nasabing lugar.



Binati at pinasalamatan ni Moreno sina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at Parks and Recreation Bureau director Pio Morabe dahil sa maayos na pagbabakuna ng mga nasabing age group sa loob ng New Manila Zoo.

Ayon sa ulat ni Morabe, sinabi ng alkalde na libo-libo na ang nagpunta ng zoo sa kabila na hindi pa kumpleto ang mga hayup doon. Ang zoo ay bukas mula 8:30 p.m. at nagsasara ng 6 p.m. para ma-accommodate ang lahat ng magpapabakuna.

“Parami nang parami ang binubuksang pasilidad sa loob ng zoo. Kapag puno na at fully functional na, may bayad na kaya punta na habang libre pa,” sabi ni Moreno.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Morabe na ang mga hayup na makikta sa zoo ay kinabibilangan ng sikat na elepanteng si “Mali”, mga leon, mga unggoy, mga ibon at ang white Bengal tiger na tinawag na “Kois”. Mayroon ding Koi Garden, butterfly garden, reptile house at mga resting areas at Instagrammable spots.

Ipinangako ng alkalde na kapag nakumpleto na, ang New Manila Zoo ay magiging katulad ng Singapore Zoo kung saan ito ay ‘more interactive’ at very modern.



Ang mga hayup ay nakakulong ng isang kulungan na gawa sa makapal na salamin kung kaya maaaring makakapagpakuha ng litrato ang mga bisita ng malapit sa mga hayup.

Sinabi pa ni Moreno na ang Manila Zoo ay malapit hindi lang sa puso ng mga Manileño kundi sa lahat ng Pinoy dahil halos lahat ay may karanasan at ala-ala sa dating zoo. (ANDI GARCIA)