Advertisers

Advertisers

Gretchen lumabas ang pagka-’lady tiger’, hinamon si Bato

0 405

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang panayam, idinenay ni Senator Bato dela Rosa ang patutsada ni Gretchen Barretto na naggra-grandstanding lamang siya kaugnay ng pag-iimbestiga nito sa businessman na si Charlie “Atong”Ang na umanoý isinasangkot sa pagkawala ng 31 katao na may kinalaman sa operasyon ng e-sabong.
Itinanggi rin ng senador na never siyang nagsugal o naging bisyo ang “e-sabong.”
Tungkol naman sa pagpuna ng dating aktres sa kanyang suot na mamahaling relo sa imbestigasyon, nag-emote ito na wala raw ba siyang karapatang magsuot ng ganoong klaseng relo, lalo pa’t afford naman niya.
Hirit pa niya, ang ginagawa raw sa kanya ni Gretchen, na isang malapit na kaibigan at business associate ni Atong, ay isang character assassination.
Sa kanyang Instagram naman, matapang na nag-react si Gretchen sa nasabing news na naka-post sa kanyang account.
Katunayan, pinanindigan nitong may mga ebidensya siya na makapagpapatunay na may interes umano ang mambabatas sa e-sabong.
Hinamon pa niya ang dating PNP chief na magtakda ng oras at lugar para magharap sila sa presence ng media para patotohanan ang kanyang mga alegasyon.
Sey ni Gretchen: “I am willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela Rosa. In front of media… Time and place? Hurry pls.
Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksyon sa netizens ang ‘dare’ ni La Greta.
“Lumabas ang pagka-lady tiger ni La Greta. Wala talaga siyang uurungan.”
“There’s something about Greta na kapag sya nagsalita, totoo yun, may hinahawakan syang evidence. And ikaw Bato, wag ka na mag-side comment kay Greta, mas madami sya connections kesa sayo.”
“There are many women who are scared to use their voice that’s why I admire Gretchen for being brave, honest and straight to the point.”
“Don’t mess with Gretchen dahil palaban iyan.”
“Exciting ang labanan ng dalawang DDS. Mamagitan kaya si PDuts?”
“Sino kaya ang uurong sa kanila? Abangan!”