Advertisers

Advertisers

Kaya ng kabataan ang iwasto ang kasinungalingan… VP LENI SA MGA ‘DIGITAL NATIVES’: LABANAN ANG FAKE NEWS!

0 287

Advertisers

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa kabataan, o ang mga tinaguriang “digital natives,” na salagin ang mga kasinungalingan na ipinapakalat ng mga nais manalo sa eleksyon sa pamamagitan ng fake news o disinformation.

May access sa impormasyon aniya ang mga kabataan na may kakayahang iwasto ang mga kasinungalingan na isinasabog sa social media ng kanyang mga katunggali na puro pambabaluktot umano ng kanyang mga pahayag.

“Ang problema po, dahil sa social media, ‘yung mga sinasabi natin, binabaliktad para akalain ng tao na wala tayong maayos na programa para sa kanila,” ani Robredo sa isang political rally sa Naval, Biliran.



Para manaig ang katotohanan, dagdag pa niya, kailangang labanan ito ng mga kabataan.

“Karamihan po sa inyo mga kabataan, mga digital natives …. Alam niyo kung ano ‘yung kasinungalingan, ano ‘yung katotohanan. Kaya dapat ipaglaban natin na ang laging mamamayani, katotohanan,” dagdag ni Robredo.

Isang halimbawa aniya ang kanyang pahayag tungkol sa maritime industry na pilit binaluktot ng trolls ng kabilang panig para lumabas ang kabaligtaran ng nais niyang iparating.

“Grabe ‘yung kasinungalingan,” sabi ni Robredo.

“Ang isa po sa mga flagship programs ko, pag ako ay naging pangulo, ay asikasuhin ‘yung maritime industry. At sa pag-asikaso ng maritime industry natin, nandun din ‘yung pag asikaso ng ating mga seamen.”



“Pero, dahil po sa fake news, ‘yung akin pong statement ay pinutol-putol,” malungkot niyang pahayag.

“Ang sinabi ko po noon, ang daming oportunidad dahil mahuhusay ‘yung seafarers natin kaya dapat tulungan natin sila sa skills training na magpapataas pa ng kanilang sweldo,” aniya.

Sinabi naman ni dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes, na ngayon ay tumatakbong muli pagka-senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, na lumalaban ang mga millennials at nakikipag-debate sa mga “bayad na trolls” ng kabilang kampo.

“There is a push back from young people. Mga community-based volunteers. Ang daming independent initiatives to fact-check,” anang dating senador.

Paliwanag pa ni Trillanes, ang mga mag-aaral, guro at kawani sa sektor ng edukasyon mismo ay lumalaban sa kasinungalingan gamit ang katotohanan bilang sandata.

“Hindi naman nakakapagtaka kasi lahat ng malalaking paaralan ang inendorso si VP Leni. Sa mga surveys sa campuses, lahat lamang ang team Leni-Kiko,” dagdag ni Trillanes.