Advertisers

Advertisers

Mga panis!

0 347

Advertisers

Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.

LABING PITONG kandidato sa pagkasenador ang inendorso ni graduating President Rodrigo Duterte.

Paano kaya ito eh 12 senador lang ang kailangan maihalal sa Mayo 9? Hehehe…



Ang nakakatawa pa rito, karamihan sa kanyang mga inendorso ay mga bugok! Hahaha…

Sino-sino ba ang mga inendorsong senatoriables ni Digong? Sina dating Presidemtial Anti-Corruption Commission chair Grco Belgica, broadcaster Rey Langit, dating Antique Representative Loren Legarda, House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, actor Robin Padilla, dating presidential legal counsel at spokesperson Salvador Panelo, dating Commission on Filipinos Overseas Executive Director Astra Pimentel, Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano, dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Governor Chiz Escudero, dating Senador Jinggoy Estrada, dating Information and Communications Technology Sec. Gringo Honasan, dating presidential spokesperson Harry Roque, dating Defense Sec. Gilbert Teodoro, reelectionist Sen. Joel Villanueva, dating Public Works Sec. Mark Villar, at reelectionist Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa mga ito, sino sa tingin ninyo ang mga basura? Isa sa mga ito ay nakalalaya lang dahil sa piyansa sa kasong Plunder. Dalawang beses na itong nakulong sa pandarambong.

Yung isa naman rito ay magaling na artista, pang masa, pero talagang walang kakayahan para maging mambabatas ng mataas na kapulungan.

At yung isa ay magaling, pero sunud-sunuran sa kung sino ang pangulo, walang prinsipyo. Isa siya sa mga dahilan ng pagpasara sa ABS-CBN.



Yung isa naman abogado nga pero parang payaso. Sinasabing magaling siya sa batas pero walang naipanalong kaso sa tanang buhay niya bilang abogado. Ewan!

Yung isa naman nagyayabang na marami raw siyang kinasuhan at pinakulong na magnanakaw sa gobierno, pero hindi niya naman mapangalanan kung sino-sino ang kanyang mga kinasuhan at pinakulong. Animal!

Pero ilan sa mga inendorsong ito ni Digong ay talaga namang karapat-dapat maging Senador, but mostly ay basura! Opo…basura ang ilan sa kanila. Alam nyo na yan kung sino-sino ang mga panggulong senatoriables na ito.

***

Sira si Marcos sa Muslims?

Naglabas ng pahayag si MILF Chief Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim paban sa presidential aspirant na si Bongbong Marcos Jr..

Sabi ni Murad: “We are concerned about a Marcos win and an eventual return to power in Malacanang. The wounds are still fresh.

While Marcos Jr was not the one behind the artocities, he carries his father’s name. And if Muslims hear that name, they also relive the pain of the dictatorship.”

Ibig sabihin ba nito ay malamang ma-zero si BBM sa mga Muslim? Parang ganun na nga noh? Yan siguro ay kung pareho ni Murad ang feelings ng lahat ng Muslims.

Kung hindi nga suportado ng MILF si BBM, malamang na si Leni Robredo ang kanilang iboboto. Puede!

Sa mga rali ni Robredo sa Mindanao, nagkulay rosa ang mga lugar, hindi bababa sa 45K ang bilang ng mga dumalo.

Pero nang magsagawa rin ng rali si BBM sa ilang bahagi ng Mindanao ay nagkulay pula rin ang venue.

Ngunit kung susumahin ang mga dumalo sa People’s rally ni Robredo, landslide ang kanyang panalo vs BBM. Yan ay kung lahat ng dumalo sa rally ay boboto sa kanya.

Well, tingnan natin sa Mayo 9. Lumabas tayo at bomoto ng presdentiable na walang bahid ng katiwalian. Mismo!