Advertisers

Advertisers

“Paihi Empire” at drug/ gambling dens sa Bulacan!

0 458

Advertisers

LALO lamang nasisira ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaang Duterte kung patuloy na magbulag-bulagan ang mga awtoridad laban operasyon ng buriki, kalakalan ng droga at iligal na pasugalan sa mga lalawigan Bulacan at iba pang lugar na nasasakupan ng PNP Region 3.

Ang malawakang nakawan ng petroleum, liquefied petroleum gas (LPG) at oil product ay itinuturing na ecomic sabotage sa bansa lalo pa’t may krisis dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ito ay lalo pang pinalala ito ng malawakang nakawan ng produktong petrolyo, liquified petroleum gas (LPG) at oil product ng magkapatid na alias Goto, Bogs at anak ni alias Goto na si alias Cholo.

Ngunit walang aksyon laban sa mga kailigalang ito sina PNP Region 3, Director PBG Mathew P. Baccay.Tulad din ni RD Baccay pinagmumukhang inutil nina alias Goto, Bogs at Cholo at ng drug/gambling operator na sina alias Mike T., Jessica at Quirros si acting Bulacan PNP Provincial Director P/Col.Rommel J. Ochave.



Pawang mga residente ng Bulacan na kung tagurian pa ay “pamilya buriki” sina alias Goto, Bogs at Cholo kaya may lakas pa ng loob at kapal ng mukha ang mga itong tumakbo para sa elective post sa lalawigan ng Bulacan sa darating na May 9, 2022 election.

Ambisyon ng “pamilya buriki” na pagharian ang Bulacan gamit ang salaping buhat sa iligal na paraan para lalo pang mapalawak ang kanilang operasyon sa pagpapaihi, patulo at pasingaw ng petroleum product at pagpapatakbo bentahan ng droga sa Bulacan, buong Region 3 at Kamaynilaan.

Dahil naman sa pagpapatakbo ng kalakalan ng droga ay kinilalang isang high value target si alias Goto. Ang resulta, inambus ito sa isang sabungan sa Bulacan ngunit himala naman itong nakaligtas.

Isinisi ng “pamilya buriki” kay Pangulong Rodrigo R. Duterte at sa PNP ang ambuscade kay Goto. Bagama’t tinukoy pa nga ng Pangulong Digong ang pangalan ni alias Goto bilang isa sa mga narco-politician sa bansa ay patuloy pa rin ito sa pagpapabenta ng droga.

Kaya maging si RD Baccay ay pinagmumukhang kenkoy ng mga naturang ilegalista. Aba e akalain ba naman natin na parang dedma lang si RD Baccay at PD Ochave sa operasyon nitong sina Bogs, Goto, gayong hayag naman ang involvement din ng pamilya buriki sa paihi at kalakalan nmg droga.



Hayag din sa mga taga-Bulacan ang pinagkukutaan ng mga bayarang kawatan nina Bogs, Goto at Cholo at ang mga ito ay nasa bayan ng Mariveles, Bataan, at Florida Blanca sa Pampanga ngunit sa wari ay waka ring muwang dito sina RD Baccay?

Sa kanilang mga kuta sa mga bayan ng Mariveles, Bataan at Florida Blanca, Pampanga mismo binuburiki ng sindikato ang mga kargamentong produktong petrolyo, LPG at oil product habang nakalulan sa kanilang pag-aaring mga tanker at capsule truck. Mukhang wala ring kaalam-alam dito si Bataan Provincial Director, P/Col. Rommell A. Velasco at Pampanga OIC Provincial Director P/Col. Jonas T. Amparo?

Ayon sa ating police insider ay idinadaan muna ng kanilang mga tsuper ang minamanehong tanker at capsule truck sa kanilang mga kuta para kusang ipanakaw ang kanilang kargamentong petroleum, LPG at oil product pagkagaling sa refinery sa Limay, Bataan, bago dalhin sa kanilang orihinal na destinasyon.

Pagkatapos maburiki ang mga kargamento ay saka lamang pinabibyahe ang mga tanker at capsule truck sa kanilang destinasyon sa ibat-ibang panig ng Region 3, Metro-Manila at CALABARZON.

Ang higit na malalaking kantidad ng ninakaw o binuriking petroleum, LPG at oil product ay dinadala naman ng sindikato sa ibat-ibang panig ng Visayas at Mindanao lulan ng kanila ding pag-aaring barko, barge at tanker vessel. Walang kaalam-alam naman ang mga negosyanteng nagmamay-ari ng produkto na sila ay napagnakawan na ng kanilang haulers..

Ganyan kalaki at kalawak ang sindikatong pinatatakbo ng “pamilya buriki” ng Bulacan, kayat patuloy na bumabaha ang kanilang salaping pondo sa pulitika para maengganyong iboto sila ng mga Bulakeño.

Nagtataka naman ang ating mga KASIKRETA pagkat sa dami ng mga siyudad at bayan na pinagdadaanan ng mga tanker at capsule truck na may kargamentong nakaw na produkto ay kung bakit kahit minsan ay di natutop ng PNP at iba pang awtoridad ang operasyon nina alias Bogs, alias Goto at alias Cholo?

Maging ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Command (MARICOM) ay pinagmumukhang ogags din nina alias Bogs, Goto at Cholo pagkat di maputol ng mga ito ang pagdaloy ng mga nakaw na petrolyo sa mga pantalan at karagatan ng bansa.

May biyaya din kaya ang PCG at PNP MARICOM mula ng pinaka-organisadong petroleum at oil pilferage syndicate sa bansa? May ulat pa na may padrinong ilang opisyales ng Administrasyon Duterte na may ranggong cabinet secretary at undersecretary ang “pamilya buriki”?

Takot marahil sina RD Baccay, PD Ochave. Velasco, Amparo at iba pang PNP Provincial directors sa Region 3 na kantiin ang operasyon ng “pamilya buriki” sa takot na mapatapon sa kangkongan? Gayon kaimpluwesya sina alias Goto Bogs at Cholo, kaya nilang ipalipat sa pwesto ang mga PNP officers na tulad nina Gen.Baccay ,Col. Ochave, Col Velasco at Col. Amparo.

Ibig sabihin ay gayon ding lakas ng kapit sa kapulisan at sa mga opisyales ng Duterte Administation ng mga ilegalista ding sina alias Mike, T. Jessica, at Quiros na kilala namang drug/gambling operators sa lalawigan din ng Bulacan?

Istilo nina alias Mike, T., Jessica at Quirros ang paggamit ng mga perya-sugalan (pergalan) bilang front sa pagpapabenta nila ng shabu. Nakapaglatag ng pergalan si alias Mike, T. sa Area H, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan, samantalang ang magkasosyong sina Jessica at Quirros ay naglatag naman ng kunyari ay mini-carnival sa tapat lamang ng Balagtas Hall, malapit lamang sa Mcarthur Highway sa bayan ng Balagtas sa nasabi ring probinsya.

Napakalakas ng tayaan sa kanilang iligal na pa-color games, beto-beto, sakla at drop ball, ngunit ang libu-libong kinikita ng mga ito sa iligal na pasugal ay barya lamang kung ikukumpara sa tinatabo ng mga ito sa pagpapabenta ng shabu.

Baka naman totoo ang ulat na may lingguhang pamantika sina Mike T., Jessica at Quirros sa ilang mga key officers ni acting PD Ochave kaya di magawang gibain ng mga ito ang pasugalan sa kubol na imbakan din ng shabu ng nasabing mga iligalista?

Malabong maging full-time PNP PD ng Bulacan si Col.Ochave kung ang simpleng drug gambling dens lamang sa Bulacan ay di pa nito mabuwag. Halos ay isang oras lamang na lakbayin mula sa PNP Headquaters sa Camp Crame, Quezon City na kinaroonan ng opisina ni PNP Director General Dionardo Carlos ang mga iligal na istruktura at pasugalang santuaryo ng illegal drug nina Mike T., Jessice at Quirros, ngunit walang aksyon dito ang Bulacan PNP! Talaga namang nakakadismaya!

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.