Advertisers

Advertisers

Robredo, take-charge player sa basketball – Guiao

0 364

Advertisers

NAGPAHAYAG ng suporta at aktibong nangangampanya ang PBA Coach na si Yeng Guiao para sa kandidatura ng presidential candidate at bise presidente na si Leni Robredo.

Marami ang nakapansin na laging suot-suot ni Guiao ang pink mask sa tuwing may laro sila ng basketball. Sa labas ng hardcourt, naglalaan ng oras ang coach para sa iba’t ibang outreach programs para ipakilala at ikampanya si Leni Robredo.

Sa isang interbyu, hinalintulad ni Guiao si Robredo sa isang mapagkakatiwalaang player sa basketball. “Kung naging basketball player si VP Leni siya yun tinatawag na ‘take-charge player,” aniya ni Guiao.



Binigyang-diin din ni Guiao ang mga katangian at kwalipikasyon ni Robredo para maging pangulo. “Pag binigay mo ang bola sa kanya, alam mong tama ang gagawin niya, mahusay at mapagkakatiwalaan.”

Higit sa karakter at kwalipikasyon ni Robredo, pinanghuhugutan din ni Guiao ang kanyang mga karanasan noong Martial Law upang maging bukas na mangampanya para kay Robredo laban sa nangungunang kandidato at anak ng diktador na si Bongbong Marcos.

“Martial law victims kami,” he said. “On the first day of martial law, ni-raid ang bahay namin, September 21, 1972. I was twelve or thirteen years old…ang tatay ko, on the second day of martial law, hinuli, kinulong,” aniya ni Guiao.

Ang kanyang ama na si former Pampanga governor Bren Z. Guiao ay isa sa mga miyembro ng 1971 Constitutional Convetion na tutulan ang pag-extend sa term ng limits ng presidente noon na si Ferdinand Marcos Sr.

“E nagtataka ako kung bakit sinasabi na maganda raw yung martial law? Walang kasalanan yung tao, tapos ikukulong mo na lang because he was political opposition? Ibig bang sabihin, pag magkaiba tayo ng politika, pwede mo na akong ikulong?”



Gamit ni Guiao ang masalimuot na nakaraan ito upang higit pang mangampanya para sa pagkapanalo ni Robredo. “Hindi lang iboboto. Talagang kinakampanya ko siya,” aniya ni Guiao sa isang livestream. (Mylene Alfonso)