Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
VIRAL ang kumalat na photos ni Andrea Brillantes sa social media na nagdaos siya ng post picnic-themed birthday party courtesy ng event planner na “La Belle Fete.”
Sa kanyang kasuotan, kitang-kita na ang dating nene ay isa nang ganap na dalaga.
Nag-shine siya sa kanyang blue dress na bumagay sa theme ng kanyang birthday party.
Lately naman, sa bagong entry sa kanyang vlog nag-celebrate siya ng kanyang 19th birthday sa isang pamosong Italian inspired venue.
Sey niya, na-frustrate raw siya noong nakaraang taon dahil hindi siya nakapag-celebrate nang bonggang-bongga ng kanyang debut dahil nga sa umiiral na restrictions dahil sa lockdown.
Kaya naman, bumabawi siya ngayong taon.
Matatandaang pinag-usapan ang grand 18th birthday photoshoot ng Kapamilya actress pero hanggang pictorial lang ito para sa isang mag.
Ang kanyang kakontemporaryo namang si Francine Diaz ay bongga rin ang naging debut na naging kontrobersyal ang kawalan ng kanyang mga kasamahan sa original Gold Squad na sina Andrea, Seth Fedelin at Kyle Echarri.
Pangabog din ang mga gown na isinuot niya sa kanyang Dreamland-inspired theme party na nagmukha siyang isang ‘modern princess’ sa isang fairy tale.
Hirit tuloy ng mga mahadera, ayaw daw talagang pakabog ni Andrea kay Francine na balitang hanggang ngayon ay mayroon pa ring feud.
Ito ay kahit reunited na ang SethDrea sa isang musical series with Kyle.
Si Francine naman ay may bagong leading man sa serye niyang “Bola Bola” sa katauhan ng BGYO member na si Akira Morishita.