Advertisers

Advertisers

Barbie nilantad ang rason kaya ayaw na balikan si Diego

0 250

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NIRARATSADA na ni Kris Bernal ang lahat ng kanyang commitment.
Dahil sa Hunyo ay tuloy na ang honeymoon nila ng mister na si Perry Choi.
Nang ikinasal kasi sila last year ay sagsag pa ang pandemic.
Kaya after ng kasalan ay walang honeymoon na naganap dahil sa Covid-19.
Kaya sa darating na June ay kasado na nga ang pulutgata nina Kris at Perry.
Isang buwan din ang bakasyon nina Kris at Perry para na rin sa project baby #1.
Umaasa si Kris na makabuo na sila ng baby o unang magiging bunga ng kanilang pagmamahalan.
Thankful naman si Kris at muli siyang nakatapak sa tahanan ng Kapuso network kung saan ay may serye ito with Rhian Ramos na inaabangan ang kanilang mga pasabog bukod sa Tadhana na lumabas din ang aktres.
***
OKEY na raw sa ngayon ang relasyon ng ex couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga kaysa rati.
Kung noong magkarelasyon ang dalawa ay nag-expect na dahil love nila ang isa’t isa at may pag-uusap pa sila ng kanilang future.
Maling akala pala kahit love nyo ang isa’t isa ay ‘di pa rin daw dapat maniguro na kayo pa rin in the end.
Wala nga sa isip ni Barbie na hahantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Itinanggi naman ng ex couple na walang balikan na magaganap sa kanila.
Okey na nga raw sa kanila na maging magkaibigan at ayaw na nilang pati ‘yun ay masira sa kanila.
Kung bakit ayaw na ni Barbie makipagbalikan kay Diego ay dahil takot na nga raw siyang masaktan.
Well, well, well…’Yun na!