Advertisers

Advertisers

Bumuhos na kay Leni ang suporta!

0 238

Advertisers

Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.

PUMABOR na nga kay Vice President presidential aspirant Leni Robredo ang momentum ng kamanya para sa darating na eleksyon Mayo 9, 2022.

Oo! Walang duda! Ang pagtalunan ng mga malalaking politiko sa kampo ni VP Leni ay senyales na nakuha niya ang damdamin at tiwala ng mga malalaking lider sa politika sa bansa matapos magsagawa ng People’s rally sa mga probinsiya, kungsaan nagkulay rosas ang mga lugar.



Sa Mindanao lamang, halos lahat ng lalawigan ay nagpahayag ng suporta kay VP Leni. Ultimo ang chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang pinakamalaking organized armed group ng Muslims, ay nagpahayag ng ‘di pagsuporta sa pinakamalakas na kalaban ni Robredo na si Bongbong Marcos, Jr.

Sabi ng MILF Chief, sariwa pa sa mga Muslim ang sugat ng Martial Law na ginawa ng ama ni BBM kungsaan napakaraming moros ang pinatay.

Bagama’t hindi binanggit ng MILF Chief kung sino ang kanilang susuportahan, malinaw na si Robredo ang kanyang tinutukoy na presidentiable na makaaayos at makapagpaganda sa kabuhayan nilang mga Muslim.

Isa pang patunay na nasa panig na nga ni VP Leni ang momentum ay ang pagkulay rosas ng Samar at Bohol. Grabe ang crowd na pumunta sa People’s rally sa venue, hindi mahulugan ng karayom. Sabi nga, may nanalo na raw. Ganun?

Isa pang patunay na masasabing naagaw na nga ni VP Leni ang pangunguna sa presidential derby ay ang pagtalunan ng halos lahat ng miembro ng Partido Reporma sa pangunguna ng kanilang tserman na si Congressman Pantaleon Alvarez ng Lanao de Norte sa kampo ng Leni-Kiko team.



Maging ang mga pinaka-influential clans sa Mindanao ay nag-anunsyo nang Leni sila. Araguy!!!

Sa tantiya ng kampo ni VP Leni, ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa mga isinagawa nilang people’s rally sa iba’t ibang panig ng bansa ay higit 15 million na. Marami pang rehiyon ang hindi napupuntahan ng Leni-Kiko team. Higit isang buwan pa ang nalalabi sa kampanya bago ang halalan. Kailangan ng Leni-Kiko team ng 22 million votes para makatiyak ng panalo, sabi ng political analysts.

Sa kabilang banda, naniniwala parin ang kampo ni BBM na nasa kanila parin ang majority ng suporta ng masa. Dahil nga base sa mga survey, malaki ang lamang ni BBM sa mga katunggali. Pero sa mga rali, kitang kita na mas malaki ang crowd ng Leni-Kiko tandem kesa BBM-Sara Uniteam.

Naniniwala naman ang ibang presidential aspirants na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Ping Lacson at Sen. Manny Pacquiao na makakahabol pa sila bago ang halalan.

Si Isko ay malayong pangatlo sa mga survey. Pero kapag bumaba si BBM, malamang na aangat si Isko. Oo! Base sa analysis, ang supporters ni BBM ay supporters din ni Isko.

Kaya naman todo ang banat ni Isko kay BBM. Kinalkal niya ang napakalaking utang ng pamilya Marcos sa estate tax na umabot ng P203 billion, bukod pa rito ang conviction ni BBM sa hindi pagbabayad ng income tax kungsaan pinadi-disqualify siya sa Comelec.

Ang petition for disqualification laban kay BBM ay nakabinbin parin sa Comelec. Sabi, ilalabas daw ito bago ang eleksyon. Kaabang-abang ito. Paano nga kung ang desisyon ay disqualified si BBM, papalakpak si Isko. Hehehe…

Abangan!